Episode 29: Crosser

5.5K 212 24
                                    

Episode 29: Crosser 


********


[ Spot's PoV ]

Hell Tan..

Biglang kumurba ang isang ngiti sa mga labi ko.

Naalala ko na ang taong ito.

" Si Hell Tan ay isang Professional Hitman ng Virgo Mafia. Tinagurian siyang isa sa pinakamagaling sa larangan ng paggamit ng iba't ibang klase baril sa mundo ng Mafia ngayon. kaya hindi basta basta ang target na ito. Dati siyang myembro ng grupo na tinatawag na Crosser na kung saan isa sa myembro na'tin ngayon ay kasali din dun noon. " Napatingin naman ang lahat sa'kin nung tumingin si king sa direksyon ko. " Tama ba ako Spot? " Tumango ako kay King bilang pagsagot.

Ang Crosser ay isang grupo na binuo ng gobyerno at binubuo ito ng anim na SharpShooter o mga taong napaka experto sa larangan ng pagbaril. At kasali kami ni Hell doon sa anim nayun. At yung isa rin ay nasa Fuego. Ano ngang pangalan ng Sniper Specialist na'yun?..ah tama. Si Nero.

Nabuo ang grupong Crosser dahil sa isang napakamahalagang misyon ng bansa noon. 3 years ago. Pinili kaming anim na gawin ang misyon na 'yun dahil sa mga natatanging abilidad namin sa pagbaril. At ang misyon na yun ay ang paghahanap at pagpatay sa isang Serial Terrorrist na nagtatago sa bansa. Ang russian na si Vornazek. At gaya ng inaasahan, nagtagumpay kami sa misyon na'yun na umabot lang ng 3 araw na paghahanap.

At Pagkatapos ng misyon na'yun ay nagkawatak watak na'rin kami. Simula nun ay hindi na ulit kami nagkita-kita pa.

" Walang kinakatakutan ang tao ito kaya mag iingat kayo. Ngayon, dalawang myembro sa grupo ang iaassign ko sa susunod na target na'tin. Sino ang may gustong magpresenta? " Tanong ni King Casper.  Tinignan ko naman ang partner ko na si Frost at binigyan siya ng isang tingin na siya lang ang nakakaintindi. Kumunot pa ng kaunti ang noo niya pero mukhang bumigay rin naman.

Sabay kaming nagtaas ng kamay ng Frost.

" Okay. Spot, Frost, kayo na ang bahala sa target. Wag kayong maging pabaya."

" Masusunod king."

" Hanggang dito nalang muna. Magpahinga na kayo.-"



[ Virgel's PoV ]

 Sobrang tirik na nung araw nung magising ako. Eh kasi naman, mga alas dose na yun nung nakatulog ako. Kwentuhan pa kasi kami ng kwentuhan nila Ish kagabi kaya ayun.

Pero nakapagtataka lang dahil hindi man lang nila ako ginising ngayon para sa training namin.

Inayos ko muna ang kama ko bago bumaba papuntang sala. Baka andun lang sila. Pagkababa ko ay naabutan ko silang lahat na nakaupo sa sala. At pansin kong sobrang seryoso ng aura nila. Walang ngumingiti. Tapos pansin kong namamaga ang mga mata ni Elsa. Anong nangyari?

Lumapit agad ako sakanila. " Ahh...ano..may problema ba? "

" Ikaw pala Boss " Ngumiti ng kaunti sa akin si Kael. Mukhang may problema nga.

" Anung nangyari? " Kinakabahang tanong ko. Nakita kong napaluha na naman si Elsa. Para silang namatayan kung titignan mo sila.

" Si Elon..wala na." Ang lungkot ng pagkakasabi ni Kael nun.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now