Episode 21: The News

7.1K 223 19
                                    

Episode 21: The News


*****


[ Virgel's PoV ]


" Ish. Pakiabot nga nung steak." Utos ni Benz. Kumakain nga pala kami ngayon.

" Wala ka bang kamay? " Kunot noo namang tanong ni Ish.

" Hindi ko kasi maabot " *pout*

" Isang nguso pa! Tatamaan ka sakin! "

*Pout* " Eh? Paabot na nga kasi nung steak--aray! Hala Hugo oh! Si Ish nagsasayang ng pagkain " Naiiyak na sumbong Benz kay Hugo habang hinihimas yung noo niya na natamaan ng saging. Pftt.

" Nasa harapan tayo ng pagkain. Hindi niyo ba alam ang salitang respeto? " -Hugo

" Eh si Ish kasi ayaw paabot nung steak "

" Ba't ba kasi hindi ikaw ang kumuha?! "

* Pout* " Sabi ng hindi ko maabot " Nakangusong sagot ni Benz. Pero nagulat nalang ako nung bigla siyang tumakbo pagkasabi niya nun. At pagtingin ko kay Ish may hawak na pala itong kutsilyo. " Hayop ka! Sabi ng huwag kang ngunguso! " Tumayo narin si Ish pagkatapos ay hinabol niya si Benz. Narinig pa namin silang nagsisigawan

" BUMALIK KA DITO HAYOP KA!!! "

" HUWAAAA!! TULOOONG!! "

Wala akong magawa kundi ang matawa nalang.

" Haaaay. Mga isip bata " Umiiling na sabi ni Hugo pagkatapos ay nagpatuloy ito sa pagkain.

Sila Elsa at Hell naman ay tahimik lang din na kumakain.

" Nandito na ako. " Habang kumakain kami. Nakita ko na papalapit si Kael samin kaya ngumiti ako. " Kael! Saan ka galing? "

Ngumiti rin siya ng kaunti bago sumagot " May pinuntahan lang, Boss "

" Kumain kana Kael. " Aya ni Elsa.

" Sige, salamat. " Umupo siya sa tabi ko. " Anung nangyari dun kila Ish at Benz? Ba't naghahabulan sila dun sa labas? " Natatawang tanong niya kaya natawa rin ako.

" Ewan ko sa dalawang 'yun. Lage naman silang ganun." Tumango tango naman si Kael pagkatapos ay nag umpisa na itong kumain.

Ilang minuto lang din ay bumalik na sila Ish at Benz. Natawa ako nung makita ko ang itsura ni Benz. May tatlo siyang bukol sa ulo niya pagkatapos ay parang maiiyak pa siya. Hahahaha.

" Pfft. " Pati si Hell ay nagpipigil narin ng tawa.

" Anung nangyari, Benz? " Natatawang tanong Elsa. Nilingon ko si Kael at Hugo. Nagpipigil narin sila ng tawa.

" Ang brutal kasi ni Ish " Naiiyak na sagot ni Benz.

" Kulang pa nga yang hayop ka! Sabi ng tigilan mo na yang pagpapout dahil nasusuka ako! " Sigaw ni Ish.

" Huhuhu "

" Hahahahah! " Hindi na talaga namin napigilan ang sarili namin sa pagtawa.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now