Episode 48: Capturing the Bait

5.9K 210 74
                                    

Episode 48: Capturing the Bait



*********


[ 3rd Person's PoV ]



-Elfame Palace-



Nagpatawag ang King ng Elfame ng isang pagpupulong kaya andito ang mga myembro ng Chess Pieces ngayon maliban sa dalawang taga Hirvana.


" Na'san na ba sina Vonzo at Asher? " Galit ng bulong ni Valentine kay Hiro dahil pansin niyang naiinip na si Casper kakahintay sa dalawa.


" Lagi namang late yun dumating si Asher. Ewan ko lang dun kay Vonzo." Bulong din nito pabalik. Sakto rin namang bumukas ang pintuan at iniluwa dun si Asher. " Yo, Pasensya na at nahuli ako. " Pakamot kamot ng ulo si Asher habang paupo sa upuan niya. Sunod rin namang pumasok si Vonzo.


" San ka ba galing? " Bulong ni Valentine kay Asher.


" Kumain lang, nagugutom ako eh." Patawang sagot ni Asher. Napailing nalang si Valentine.


Nung makaupo na ang lahat ay agad na nagsalita si Casper. "Nagpatawag ako ng pagpupulong ngayon dahil meron akong maganda at masamang balita sa inyo." Panimula niya na ikinatahimik ng lahat.


" Unahin muna natin ang masamang balita, may bago ng ipinalit na malakas na myembro ang Virgo ngayon kay Hugo." Sabi nito. Napamura naman si Dorothy sa isipan niya.


" Yan nanga ba ang sinasabi ko eh. Tsk. "


Sa labas naman ng silid na pinag memeetingan nila ay may dalawang pares ng mga paa ang naglalakad papunta sa kinaroroonan nila.


" Naku, masama nga yan, King. Parang bumalik na rin ulit ang lakas ng Virgo niyan." Wika ni Asher. Sang-ayon naman ang dalawang kambal sa sinabi niya. Ngayon ay may bago na silang myembro, lumiit na naman ang tsansa nilang manalo. Dapat talaga ay tapusin na nila ang alas ng dalawang grupo. Ang dalawang anak ni Vlademir Acosta.


" Eh ano naman po yung magandang balita, King? " Tanong ni Gavin. Nakita naman nilang ngumiti si Casper.


" Alam ko na ang kahinaan ni Argo." Nakangiting sagot nito. " Sinabi sa'kin ni Theo ang kahinaan ng Alas ng Fuego, at kaya nila pinaalam sa atin ang impormasyon na'yun ay dahil kailangan din nila ng tulong natin sa paghuli at pagdispatsa kay Argo. Matindi rin ang galit ni Theo sa Argo na 'yun." Dagdag pa niya.


" Sino ang kahinaan na tinutukoy niyo, King? " Tanong agad ni Asher. Bakas sa mukha ng lahat ang atat na malaman ang isasagot ng King.


" Walang iba kundi ang Alas rin mismo ng Virgo, ang nag iisang kapatid niya." Nabigla naman silang lahat sa sagot ni Casper maliban kay Vonzo. Inis ang nararamdaman niya ngayon. Balak niya sana na siya mismo ang tumapos sa kahinaan ni Argo pero alam na ito ng Elfame Mafia, at siguradong kakalat din ang impormasyong ito sa ibang Mafia Group dahil matagal ng markado ang pangalan ni Argo sa mundo ng Mafia at hinihintay lamang nila na malaman ang kahinaan niya.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon