Episode 35:Third Target of Elfame Mafia

6.3K 206 37
                                    

Episode 35: Third Target of Elfame Mafia


*********


[ Virgel's PoV ]


Katahimikan. Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa paligid namin ngayon. Walang ni isa ang gustong magsalita. Lahat kami ngayon ay tahimik na nagdadasal para sa nag aagaw buhay naming kasama.


Nasa tapat kami ng emergency room ngayon kung saan namin dinala si Hell at hinihintay nalang namin ang paglabas ng doktor. Sa bawat minutong dumadaan ay nadadagdagan ang kaba naming lahat. Mag iisang oras na kami dito pero hanggang ngayon ay hindi pa din lumalabas ang doktor.


Wag naman sana..


Tinignan ko sina Ish at kitang kita mo talaga sa mukha nila ang sobrang pag aalala. Si Elsa ay nag umpisa na namang umiiyak.


Anong magagawa ko para mapagaan ang loob nila?


Pinilit ko nalang ang sarili ko na ngumiti." Oh ba't ganyan yang mga mukha niyo? Matapang yun si Hell. Makakaya niyang lampasan to. Kaya wag na kayong mag alala jan." Tumingin naman silang lahat sa'kin. Hindi ako experto sa pagpapagaan ng loob pero bilang Boss nila, dapat ay may gawin man lang ako para kahit papano ay mabawasan man lang pag aalala nila.


" Boss.." Maya maya lang rin ay ngumiti na sila ng konti.


" Tama..Matibay yun si Hell." Sang ayon ni Ish habang nakangiti ng kaonti. Tumango naman si Benz " Tama ka jan Ish, sabi nga nila, matagal mamatay ang masamang damo--Aray!." Agad namang nakatanggap ng isang kutos si Benz galing kay Ish. " Aray naman Ish. Nag jojoke lang naman ako eh" *pout*


" Jokjokin mo yang mukha mo! " Pfft.


Medyo gumaan na sana ang pakiramadam ng lahat pero napahinto kami nung makita naming lumabas na ang doktor. Agad na namang bumalik ang kaba na nararamdaman namin.


" Dok, kumusta ang kasama namin? " Agad tanong ni Elsa.


" Maraming dugo ang nawala sakanya. Kailangan natin ng blood donor para sa pasyente as soon as possible. May kilala ba kayong kamag anak niya? "


" Anong type mo Benz? " Biglang tanong ni Ish.


" Type ko? Ahm..syempre yung maganda, maputi, malaki ang di--Aray! Baket na naman ba Ish? " *pout*


" Tanga! " Ish


" Wala ng pamilya si Hell. Ano ba ang blood type niya Dok? " Tanong ni Elsa.


" AB "


" AB ako." Napalingon kaming lahat sa nagsalitang si Kael. " Pwede ako Dok." Dagdag pa niya.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now