Episode 1: The Missing Son

20.6K 516 102
                                    

Episode 1: The Missing Son


EditedOct2018


************



Sa bansang Pilipinas, hindi lang ang mismong Gobyerno ang namamalakad rito. Hindi lang ang mga pulis, militar at mga terorista ang kinakatakutan ng mga tao. Hindi lang mga mayayamang pamilya ang nagpapatakbo sa mga iba't ibang mga negosyo rito.


Dahil isa sa mga sekretong tinatago ng bansa, ay ang pamamalakad ng mga tinaguriang mga ilegal na organisasyon na malayang nagagawa ang gusto dahil sa kapangyarihang hawak nila. Transaksyon, pagbebenta ng mga illegal na kagamitan, baril, droga. Mga trabahong hindi mo na gugustuhing malaman pa.


Ultimo ang Gobyerno ay di na kumakalaban sa mga naturang grupo dahil sa malawak na rin nitong koneksyon at impluwensya sa iba't ibang bansa. 


May limang makapangyarihang pamilya ang patuloy na namumuno sa sekreto at illegal na mundo ng Pilipinas


Ang Alibara Mafia na pinamumunuan ng pamilya Saquin,  ang Martin Family, ang Elfame Mafia na binubuo ng Pamilya Yusen. Ang Fuego Mafia, at ang panghuli, ang Virgo Mafia na pinapalakad ng mga Acosta. 


Sa limang organisasyon, ilang dekada ng nangunguna ang Virgo Mafia sa lahat. Walang gustong kumalaban sakanila dahil sa lawak ng impluwensya ng taong namumuno rito--si Vlademir Acosta. Si Vlademir ay isang napaka sikat na businessman. Hindi lang sa Pipinas kundi pati na rin sa mga banyagang bansa ay tinitingala ang tagumpay na naabot niya. 


Sumunod naman sakanila ang pamilya Fuego. Ilang taon ring naging mortal na magkalaban ang dalawang pamilya. Pilit na pinapabagsak ng Fuego si Vlademir dahil sa kagustuhan ng Boss nitong manguna sa lahat--ang maging pinaka makapangyarihang tao sa bansa.


Hanggang sa isang araw,


Sa di maipaliwanag na dahilan, tagumpay na nadukot ng mga Fuego si Vlademir. Nagulat ang lahat dahil sa balitang kumalat. Dahil sa nangyari, unti unting humina ang Virgo dahil sa pagtiwalag ng iilang myembro nito, ang pagbagsak ng iilang negosyo dahil sa wala ng namumuno. Ang pag baba ng reputasyon at impluwensya ng pamilya. Dahil sa nangyari ay tila ang tinitingala dati ay binabalewala nalang ngayon.


Dahil rin sa balitang yun, tuluyan na ngang natupad ng Fuego ang kagustuhan nilang manguna. Kasalukuyan na silang kinakatakutan ng lahat ngayon dahil sa pagdakip nila sa makapangyarihang taong yun.


Pero sa gitna ng dagok na nangyari, may iilang myembro parin ang nanatili at di nauubusan ng pag asa. Gusto nilang bawiin ang Boss nila laban sa mga Fuego, pero di nila ito kaya hangga't walang namumuno sa kanila.


Di nagtagal, isang impormasyon ang nabalitaan nila. Na may anak pala si Vlademir sa dati nitong asawa. Dahil sa balitang yun, nakitaan silang muli ng pag asa, pag asang mababawi pa nila ang pinaka importantong tao sakanila na halos dalawang taong ng nadukot. 


Kailangan nilang mahanap ang anak ni Vlademir para gawing Boss nila at mamuno sakanila sa pagsagip ng ama nito.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora