Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )

6K 226 15
                                    

Episode 16: The Chess Pieces (Part 1) 



EditedOct2018



********


[ 3rd Person's PoV ]

"Paalam na sayo" Tuluyan ng itinaas ni Vic ang kanang kamay niya at ibinwelo. Dito na matatapos ang lahat.

"MAMATAY KA!!" Buong pwersa niyang pinakawalan ang isang napakalakas na suntok direkta sa mukha ni Virgel.

Pero bago pa man tumama ang suntok niya, nakita niya pa itong parang may binulong.

Gusto mong humingi ng tulong sa Diyos?! Pasensya pero huli na ang lahat!

Sa lakas ng impact ng pagkakatama  ng suntok nito ay bumalot sakanila ang usok dahil sa nadurog na sahig hinihigaan ni Virgel. 

Napangisi si Vic "Isang napakalakas na suntok ang pinakawala kong yun kaya sigurado akong nadurog na lahat ng buto mo sa--" Gulat na gulat siyang napatigil nung tuluyang humupa ang usok na bumabalot sakanila. Nakatingin lang siya ngayon sa gaunlet niyang hawak hawak ni Virgel gamit ang isang kamay lang. "Paanong.."

Imposible, paano niya nasangga ang atake kong yun? Wala pang kahit sino ang nakakapigil sa malakas na suntok ko.

Hinang hina na siya kanina at halos di na niya magalaw ang katawan niya. Tsaka kung nasangga niya man yung suntok ko,  imposibleng mabuhay parin siya dahil napakalakas na pwersa yung pinakawala ko.

Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero ang lakas ng pagkakakapit ni Virgel rito. 

Ayaw mong bumitaw ha.

Binwelo niya ang bakante niyang kamay para sana gumawa ng isa pang atake, pero nung madapo niya ang tingin sa mga mata ni Virgel, halos maging bato siya sa sobrang pagkabigla. 

Biglang nangatal ang bibig niya habang titig na titig sa mga mata ni Virgel. Hindi siya pwedeng magkamali..

Ang mga matang yan..



-Flashback-


"Kuya!"

"Tumakas na kayo! Protektahan niyo si King Casper! Iligtas mo ang sarili mo Vic --Urgh! " Kasalukuyan lamang na nakatingin ang lahat kay Rain ngayon na walang awang pinaglalaruan ng isang halimaw na nakasuot ng maskara. Gustuhin man nilang tumulong pero mas importante sakanila ang buhay ng King nila kaysa sa kasamahan nila. Kung di pa sila aalis ngayon, baka maubos lang sila ng halimaw na 'to at malagay sa panganib ang King nila. 

"Halika na, Rave! Huwag mong sayangin ang oras na binigay ni Rain para makatakas tayo!" Sigaw ni Spot habang hinihila si Vic. Gusto narin kasi nitong tulungan ang nakakaawang kuya niya.

"Hindi! Si Kuya!! Tulungan natin si Kuya!" Naiiyak na ito habang pinagmamasdan ang nasa hirap nila. At bago pa man sila tuluyang makaalis, kitang kita nila ang ginawa ng kalaban na pagsakal kay Rain.

H-hindi..

Unti unting tumirik ang mga mata nito hanggang sa tuluyang malagutan ng hininga.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon