Episode 19: Behind the Mask

6.7K 269 50
                                    

Episode 19: Behind the Mask


EditedNov2018


******


[ Virgel's PoV ]


"Patay na daw ang Pangatlong Diablo ng Fuego na si Primo Fuentes."

"Primo Fuentes? Teka..si Primo? Diba pinsan yan ni Elon? Sino ang pumatay sakanya? "

"Wala akong Ideya, Pero nakasisiguro akong isang Mafia ang may gawa nito."

Yan agad ang nadatnan ko nung pababa ako sa hagdan. Grabe, medyo masakit padin ang katawan ko dahil sa nangyari kagabi. Naka bandage pa ang braso, ulo at tiyan ko dahil sa mga sugat ko.

"Oh Boss! Gising kana pala. Okay ka naba?" Tanong ni Elsa nung makalapit ako sakanila.

Napatingin silang lahat sa'kin.

Nginitian ko sila. "Okay na ako. Medyo masakit nga lang yung mga sugat ko hehe "

"Mabuti naman at walang nangyaring masama sa inyo Boss." Elsa.

"Oo nga eh. Mabuti ka pa Boss hindi gaano yung natamo mong sugat. Hindi katulad nitong isang to, Hahahaha" Pang aasar naman ni Ish kay Benz. Agad naman akong napatingin kay Benz. May takip na yung kaliwang mata niya na parang pang pirata.

Nakaramdam agad ako bigla ng lungkot " Benz, patawad. Nang dahil sa akin naging ganyan na yung kaliwang mata mo." Kung di lang sana namin siya iniwan dun sa labas nung budega, malamang okay na okay pa yung dalawang mata niya ngayon.

Hindi ko siya nagawang naprotektahan.

"Ano ka ba Bossing! Okay lang yun! Feel ko nga mas lalo pa akong gumwapo pag nakasuot ako nito eh." Nakangising sabi ni Benz kaya medyo napangiti ako.

"Libre mangarap Benz, pagpatuloy mo yan" pang aasar naman ni Ish kaya nagtawanan kami except kay Hell...at ngayon pati si Kael hindi narin nakikitawa.

May problema ba siya?

"Boss, kumusta naman ang naging unang misyon mo? Balita ko kay Benz natalo mo daw yung Boss ng El Satans na yan." Tanong naman ni Hugo kaya may bigla akong naalala.

"Si Agnes? Ligtas ba si Agnes? Na'san siya? " Tanong ko agad sakanila. Nagtagumpay ba ako sa misyon ko? Hindi ko na naman kasi alam ang mga nangyari kagabi dahil nagising na naman--aw mali, sadya ko na palang ginising yung isang katauhan ko kagabi.

"Inihatid ko na siya kanina sa kanila Boss, mukhang matamlay kasi at parang wala sa sarili eh." Sabi ni Ish. Haaay, mabuti naman at okay lang siya. Matamlay lang siguro yun dahil hindi siya pinakain nung Victor na'yun nung nandun pa siya sa Budegang yun.

"Bossing, Alam mo bang pinagtaksilan ka ni Agnes kagabi?" Tanong ni Benz kaya nangunot yung noo ko.

"Pinagtaksilan?"

" Oo Bossing. Nung pagdating kasi namin ni Kael dun sa lugar na pinaglabanan niyo, nadatnan naming nakayakap si Agnes dun sa Boss ng El Satans."

"Huh? Nakayakap? Eh akala ko ba wala na sila--"

" Dati daw magkasintahan yung dalawa Bossing sabi ni Hitler "

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora