Episode 8: His Decision ( Part 1 )

8.9K 295 31
                                    


Episode 8:
His Decision ( Part 1 )


EditedOct2018


**********


[ Elsa's PoV ]


Tulog na lahat ng mga tao dito sa mansyon ngayon at ako nalang yung gising. Andito lang ako sa sala ngayon habang nagmumuni muni. Di padin kasi mawala sa isip ko 'yung taong nakita ko dun sa mga cctv na pinanuod namin kanina.

Isa sa Walong Diablo ng Fuego si Elon?

Ang kababata kong parang santo na sa sobrang bait, kasapi ng isang Mafia? Paano nangyari yun?

Huli kaming nagkita nung highschool pa lang kami. Umiyak nga 'yun nung sinabi kong lilipat na kami ng tirahan eh. Tapos ngayon malalaman ko nalang na myembro na siya ng isang Mafia Group? At di lang 'yun, sobrang galing na din niyang makipaglaban. Ang akala ko nga dati magpapari yun paglaki eh. Mali pala ako.


Nagbabago nga talaga ang tao--

"Hoy bat gising ka pa?"

Halos mapabalikwas na ako sa kinauupuan ko nang may biglang magsalita."Wag ka ngang manggugulat jan!" Inis kong sigaw sakanya.

"Kape pa." Bata pa hindi na talaga kami magkasundo nitong ungas na'to. Di nalang ako nagsalita. Hindi na dapat pinapatulan ang mga baliw na katulad niya.

Mabuti naman at umalis na agad siya papuntang kusina nung di ko siya pinansin. Akala ko manggugulo na naman 'yun eh.

Pero ba't kaya gising pa 'yun? Mag aalas dose na ah.

Maya maya pa ay nakita ko siyang lumabas sa kusina na may dala dalang isang baso. Akala ko didiretso na siya sa kwarto niya pero papunta ulit siya dito sa sala.

Pagkarating niya, nilagay niya agad yung baso sa table malapit sa'kin. "Ano yan?" Tanong ko.

"Gatas."Sagot niya sabay upo sa isang couch na kaharap ko.

"Alam kong gatas yan. Ang ibig kong sabihin e para saan yan?" 

"Aba ipaligo mo." Loko pala to eh!

"Pilisopo ka talaga!" Di na siya sumagot pa.

Ilang minuto pa ang lumipas, wala pa ding nagsasalita sa'min kaya naman nagpasya nalang akong kunin yung baso at inumin yung gatas. Para sa'kin naman ata 'to e. 

Ang sarap ah "Ba't ka pa pala gising?" Tanong ko. Baka ma awkward lang kami lalo dito kung di ako magsasalita. 

"May iniisip lang." Tipid niyang sagot. Mukhang parehas nga kami ng iniisip ngayon.

"Siya ba?" Tumango lang siya habang sumasalubong na naman yung kilay niya. 

"Magkalaban pala kami. Kalaban pala natin siya." Usal niya tapos sinandal niya yung likod niya sa couch at tsaka napatingin sa kawalan. 

Ang totoo niyan magkababata kaming tatlo nina Hell at Elon, at magbestfriend kami. Hindi man halata sa'min ni Hell pero magbestfriend kami niyan simula pa bata. Hindi nga lang tulad ng ibang magbestfriend jan na nagkakampihan. Iba kaming tatlo. Lumaki kami na laging nag aasaran.

"Oo nga eh. Nakakagulat lang." Nasaabi ko nalang. Pareho lang kami ng nararamdaman ngayon. 

"Iyakin pa kaya 'yun hanggang ngayon?" Biglang tanong ni Hell kaya natawa ako.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now