Epesiode 30: Bad Plan

5.7K 220 32
                                    

Epesiode 30: Bad Plan


*******


[Virgel's PoV ]


Napalibot agad ang tingin ko pagkapasok namin dito sa loob nitong chapel. Medyo may kalakihan pala ito, tapos medyo marami rin ang mga taong nandito. Yung iba nakasuot ng black suit kagaya namin samantalang yung iba naman ay nakasuot ng mga pang mayamang damit. Siguro ay mga kamag anak ito ng sinasabi nila Ish na si Elon.

Di pa kami tuluyang nakakapasok sa pinakaloob ng chapel ay may biglang humarang sa daraanan namin. Nakasalubong ang mga kilay niya at kunot noo itong nakatingin sa'min.

" At anong ginagawa ng mga Virgo dito? " Tanong niya.

" Condolence." Yan lang ang tanging sinagot ni Elsa. Bigla namang natawa yung lalaking nasa harapan namin.

" Akala niyo ba maloloko niyo ako jan sa pagkukunwari niyong pakikiramay?! " Mula sa pagtawa niya ay biglang napalitan ng galit ang mukha niya at sumigaw pa ito na nagpakuha ng atensyon ng mga taong nandito.

" Pumunta kayo sa burol ng isa sa mortal niyong kalaban?! Nagpapatawa ba kayo? "

" Kaibigan namin si Elon. Pakiusap hayaan muna kaming pumasok." Matamlay na ganti ni Elsa.

" Oh ngayon kaibigan naman? Aba abaa..huwag niyo nga akong gawing uto uto! "

" Hoy." Nabigla kami nung biglang hinawakan ni Hell ang kwelyo nung lalaki at marahas niya itong pinalapit sakanya." Wala kaming oras sa isang kulukoy na katulad mo kaya pwede ba.." Mabilis namang tinanggal nung lalaki ang kamay ni Hell at inayos niya ang damit niyang nagusot ng kunti. Pagkatapos ay matalim pa niyang tinitignan si Hell.

" Purket magkasama tayo sa misyon noon ay hahayaan na kitang pumasok, hahayaan ko na kayong pumasok! Bawal kayo dito! Umalis na kayo kung ayaw niyong magkapatayan tayo dito! " Sigaw ulit nung lalaki. Kitang kita ko na sa buong paligid ang mga mata ng mga tao dito na para ng nagsasabing mga wala kaming respeto sa skandalong nangyayari dito sa loob.

" Nero." Biglang dumating sa harapan namin yung babaeng nagpapasok sa'min kanina." Itigil muna yan. Gumagawa kana ng skandalo dito." Mahinahon niyang sabi.

" Baket mo ba kasi sila pinapasok?! Mga Virgo ang mga yan! " Binigyan lang siya ng isang blankong tingin nung babae. " Pag nalaman to ni Boss Jin sigurado akong malilintikan tayo." Dagdag pa nung lalaki.

" Boss Jin? Baket, na'san ba si Boss Jin ngayon? Mabuti panga yung ibang tao jan naisipan pang bumisita. Pero siya, kahit isang beses ay hindi man lang makadalaw. Wala man lang respeto." Agad nanlaki ang mga mata nung si Nero na tila hindi makapaniwala sa sinabi nung babae.

" Aba't! Ang lakas ng loob mong pagsalitaan si Boss ng ganyan! " Sigaw niya at plano niya pa sanang suntukin yung babae pero bigla iyong sinangga ni Kael gamit ang isang kamay niya. Grabe, medyo lumakas na ang pangangatawan ni Kael dahil sa training namin.

" Wag kang makialam dito Kael! "

" Pakiusap, huminahon ka Nero. Nandito lang kami para bumisita. Yun lang. Aalis rin naman kami pagkatapos." Kael

" Tama."

......

..........

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon