Episode 3: Questions

9.9K 399 59
                                    


E
pisode 3: Questions



Edited: Oct2018



********


[ Virgel's PoV ]


6:30 na nung makauwi ako sa bahay. Grabe, pagod na pagod yung mga paa ko kakalakad.

Pagpasok ko sa bahay, nakita ko agad si mama sa kusina na nagluluto. Habang si papa naman ay nagbabasa parin ng dyaryo sa may sala.

" Magandang gabi po sa inyo Ma, Pa." Bati ko sakanila tapos nagmano ako.

"Oh ba't ginabi kana naman?" Tanong ni papa.

"Ah h-hehe ano po, may ginawa pa kasi ako sa library kaya medyo natagalan ako. Pasensya na po." Pagsisinungaling ko nalang sabay kamot sa ulo. Gusto ko mang sabihin na nagastos ko yung pera sa pagbigay dun sa mga pulubi, pero baka magtanong pa ng magtanong si papa. Inaantok narin ako e. 

"Oh halina kayo, nakahanda na ang hapunan." Aya ni mama. Ang bango ng niluto niya

"Magbibihis lang po ako saglit." Halos papikit na ang mga mata ko sa sobrang antok habang paakyat ng hagdan. 

Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko agad yung kama ko dahilan para mapahiga na ako ng wala sa oras. Pagod na pagod talaga ako ngayon dahil sa walang humpay kong paglalakad kanina at isama mo pa yung basketball na kahit 5 mins lang eh wala rin kaming hinto sa pagtakbo. Iidlip nalang muna ako saglit.



*****


Narinig ko ang ringtone ng cellphone ko habang nag vavibrate sa kama ko kaya hinang hina akong napamulat. Sobrang bigat ng ulo ko.

Pagtingin ko, si Kael pala, nag text. Nangunot naman yung noo nung mabasa ko yung text niya.


From: Kael Zacanta

Mag iingat ka Boss


Mag iingat? saan? kanino?  Naisip ko nalang dahil naalimpungutan pa ako. Napatingin naman ako sa oras ng phone ko. Alas otso na pala. Isa't kalahating oras rin pala akong nakatulog. 

Ba't hindi ako ginising ni mama? Makababa na nga lang. Gutom na gutom na ako eh. Wala pa kaya akong kain simula pa nung tanghalian.

Pagkabukas ko ng pinto sa kwarto ko, isang malamig na hangin agad ang sumalubong sa'kin. Ang lakas ng hangin na para bang ayaw akong palabasin sa kwarto. Nagsitayuan tuloy mga balahibo ko.

"Ma? Pa?" Kusot kusot ko pa ang mga mata ko na tinatawag sila habang pababa ng hagdanan.

"Ma?" Ba't ang tahimik ng bahay? Bukas pa naman yung mga ilaw. Natutulog na kaya sila? Masyado pa namang maaga para matulog sila.

"Pa--" At parang nabuhusan nalang ako bigla ng malamig na tubig nung makita ko ang nasa dulo ng hagdanan. "MA!!" Mabilis akong nakababa sa hagdan nung makita ko si mama na nakahandusay sa sahig at..at..

"MA! Anong nangyari?!" Sigaw ko habang niyuyugyog ang duguan niyang katawan. Ano bang nangyari?! Paglingon ko sa sala, andun din si Papa, naliligo rin sa sarili niyang dugo.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now