Episode 14: Benjamin

7.3K 252 45
                                    

Episode 14:  Benjamin 



--SAVING AGNES ARC--


*********


[ Virgel's PoV ]


"Wooah"

Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko nung makita na namin ang hideout ng 'El Satans'.

"Ang dami nila." Dagdag ko habang nagtatago dito sa halamanan. Si Benz at Kael naman ay kalmado lang na nakatayo at nakatingin sa halos isang batalyong kalaban na nagbabantay sa labas ng Abandunadong budega. Parang sanay na sanay na sila sa ganito. 

"Uy magtago kayo, baka mahuli nila tayo dito." Bulong ko pero natawa lang sila. Anong nakakatawa? Kinakabahan nanga ako ditoo. 

"Walang mangyayari kung magtatago lang tayo dito, Bossing. Sige na, ako na ang bahala sa mga yan. Kukunin ko lahat ng atensyon nila tapos pumasok na agad kayo sa budega." Presenta ni Benz kaya napatayo nalang ako.

"Hindi pwede Benz! Walang magpapaiwan dito! Lalaban tayo ng--"

"HOY!! ANONG GINAGAWA NIYO JAN?!" Mabilis akong napalingon sa harap namin nung may biglang sumigaw. Nakatingin na silang lahat samin ngayon. 

Anak ng! Napasigaw na pala ako ng wala sa oras. Kahit kailan talaga Virgeeel! 

"Sige na Bossing, doon na kayo dumaan sa gilid. Pipigilan ko sila sa abot ng makakaya ko." Ngayon ko lang napagtanto na mas maangas pala tignan si Benz kesa kay Hell kapag seryoso ang mukha niya. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kaseryoso. Bigla ko tuloy naalala kung gano ka kampante sila Ish sa misyon na'to dahil kasama daw namin si Benz. 

"Ikaw na ang bahala kay Bossing, Kael. Protektahan mo siya. May tiwala ako sayo." Bilin niya kay Kael. Di maalis yung tingin ko kay Benz. Ba't parang may kakaiba sakanya? 

 "Ako na ang bahala."


*****

[ Benz's PoV ]

"Ako na ang bahala."

"KALABAAAN!!!" Napansin ko ang limang kalaban na papalapit sa amin kaya agad ko na silang pinaalis. 

"Umalis na kayo! Susunod nalang ako sa inyo!" Sigaw ko kaya hinigit na ni Kael si Bossing.

"Benz.." Tawag ni Bossing saglit kaya napatingin muna ako sakanya.

 "Sumunod ka samin ng Buhay. Utos ko yan bilang Boss mo." Bilin niya kaya di ko mapigilang ngumisi.

Nagthumbs up ako sakanya sabay sabing "Alriiighht~!" 

"Ikaw nga talaga yan. Hehe." Napakamot pa siya sa ulo niya habang sinasabi yan kaya nagtaka ako. Di ko na nagawang itanong kung anong ibig niyang sabihin dahil dali dali ng hinigit ni Kael si Bossing palayo.

Ngayon ay binaling ko na ang tingin sa limang mga panget na papalapit sakin. Dahan dahan kong nilabas ang dalawang samurai sa kanilang mga lungga. 

"Excited na ba kayo ha, Upin? Ipin?" Tanong ko sa dalawa kong samurai. At syempre, hindi sila sumagot. Ewan ko nalang kung sasagot sila ng 'Yes Boss!' Baka maitapon ko pa to ng wala sa oras pag ganun hahahaha. 

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu