Episode 6: The Fuego Mafia

11.1K 322 22
                                    


Episode 6: The Fuego Mafia


EditedOct2018



********


[ Virgel's PoV ]


Pagka uwi ni Kael, pumunta na muna ako sa garden nitong tinatawag nilang Virgo's Mansion para makapag isip isip. Tinatry ko pa ring i sink in lahat sa utak ko yung mga narinig ko kanina.


Isa akong Boss? At hindi lang ordinaryong Boss kundi Mafia Boss? Sa mga napapanuod ko na palabas, pumapatay ang mga Mafia pag kinakailangan, diba? Kumikitil sila ng mga buhay ng mga taong tingin nila ay sagabal sa mga negosyo at plano nila. Kaya sobrang kinatatakutan ang mga organisasyon na yan dahil kahit mismo Gobyerno walang takot na kinakalaban niyan. Magiging ganun ba ako? Eh sobrang bata ko pa para dun. 

Ano ba ang nakain nila?

Naigulo ko nalang ang buhok ko dahil sa mga naiisip ko. 

"May problema ba, Boss?" Natigil ako sa pag iisip nung may lumapit sa'kin.

"Ah ikaw pala...Elsa? tama, Elsa. Hehe " Natawa naman siya ng konti.

"Akala ko tatawagin mo na naman akong Eda eh. Pwede po bang tumabi?" Tanong niya kaya umisod ako para may maupuan siya. "Oo naman." Sagot ko kaya tumabi siya ng upo sakin. Ang bango bango niya grabe. Nakakahiya. Wala pa akong ligo. Amoy mandirigma na ata ako ngayon.  

"So, ano ba yang gumugulo sayo ngayon, Boss? Pwede mo akong tanungin. Baka makatulong ako." Sabi niya kaya napaisip ako. Ano nga ba ang pwede ko pang itanong para malinawan ako?


Ah eto. "Ahm..n-nakapatay na ba kayo ng tao?" Kinakabahan na tanong ko. Sa ganda niyang 'to? Imposible namang kaya niyang puma--


"Oo. Maraming beses na. " Bigla akong nasamid sa sarili kong laway sa sinagot niya kaya napaubo ako. "Ayos lang kayo, Boss?"

"O-oo."

"Pero ang mga nililigpit lang namin ay yung mga taong sa tingin namin ay sagabal sa Organisasyon." Dagdag niya ng nakangiti. Ganun na ganun nga yung pagkakaintindi ko sa mga tulad nila. Totoo nga sila! 

Nakita niya sigurong namutla ako sa sinabi niya kaya natawa na naman siya. " Wag kang matakot sa'min, Boss. Hindi naman kami ganun kasama gaya ng iniisip mo. Hindi naman kami pumapatay ng mga inosente. Isa yun sa mga rules na ginawa ng Ama mo sa pamilyang 'to." Paliwanag niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Akala ko pinapatay nila kahit sino e


"Ahm may tanong pa ako Elsa. Okay lang?" Tanong ko. Tumango lang siya habang nakangiti. Sa totoo lang, ang ganda ganda ng kausap ko ngayon. Lalo na pag ngumingiti siya. Ang puti puti ng mga Ipin niya, tapos ang bango niya pa. Tapos ang kinig pa ng...


"Ano yung tanong mo, Boss?" Bigla akong nabalik sa wisyo nung nagsalita ulit siya. Natulala na pala ako sa ganda niya.


"A-ah ano..Baket Virgo Mafia ang tawag sa inyo?" Napakamot nalang ako sa ulo. May sense ba yung mga tinatanong ko?

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now