Episode 4: The 6th Diablo

10.6K 376 28
                                    


E
pisode 4: The 6th Diablo


Edited: Oct2018


*********


[ Virgel's PoV ]


" Hoy! Boy Lampa! Nagugutom na kami! " Naku ayan na naman sila

" Ah pa-pasensya na kayo Alfe, wala na akong pera eh. Bukas nalang ha? H-hehe "

Agad na naman nya akong kwinelyuhan "Anong wala?! Nakakailan kana jan sa palusot mo na yan ha!"

"Tanga kaba? Sabi ng wala akong pera eh." Mabilis akong napatakip ng bibig matapos kung sabihin yun. A-anong..

Ano ba yung sinabi ko? 

"Ah-hehe hindi ano..a-ang ibig kong sabi--" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil isang suntok ni Alfe bigla ang sumalubong sa mukha ko. 

"SUMASAGOT KANA HA! SINONG TANGA?!" Sigaw niya sa'kin habang mahigpit parin akong kinikwelyuhan na parang masasakal na ako. Sasabihin ko pa sana na biro lang yun pero..

"Ikaw." Bigla na namang nagsalita yung bibig ko ng mag isa. Ano bang nangyayari sa'kin? Ba't di ko makontrol yung bibig ko sa pagsasalita?

"GAGO KA PALA EH!!" Susuntukin na naman sana niya ako ulit pero..

May bigla akong narinig na putok ng isang baril, at bago pa ako makareak, Nakahandusay na sa sahig ang katawan ni Alfe na kanina lang ay  naka kwelyo pa sakin.

"A-alfe.."  Halos mangatal ang bibig ko nung makita ko ang duguang katawan niya. Sinong may..

"BA'T MO SIYA BINARIL?!"

" PINATAY MO SIYA!! "

" MAMAMATAY TAO KA!! "

Sigaw bigla nung tatlo niyang kasama habang nakatingin....sa'kin?


Teka..bakit? Bakit sila nakatingin sa'kin? wala naman akong ginawa ah. Wala naman akong hawak na ba---


Teka..ba't may hawak akong baril?


At bago pa ulit ako makapag isip, sunod-sunod na putok ng baril na naman ang narinig ko, at yung tunog na 'yun ay galing mismo sa baril na hawak-hawak ko.


Pagtingin ko sa tatlong kasama ni Alfe..


Duguan na rin silang tatlo na nakahandusay sa sahig..


A-anong nangyayari?


A-ako ba ang may gawa nito? Ako ba ang b-bumaril sa kanila? Imposible yun. Hindi ko magagawa yun. Hindi ko kaya ang pumatay.. Hinde..

Hindee..


"HINDEEEEEEEEE!!! 



********


VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now