Episode 38: The Master and The Apprentice

6.2K 188 21
                                    

Episode 38: The Master and The Apprentice


******


[ Virgel's PoV ]


Saglit kong tinignan yung wall clock dito sa sala, mag aalas dyes na, pero di padin umuuwi si Ish. Nag aalala na ako sakanya. Baka napano na 'yun.


" Hahahahaha! Ang galing talaga ni Jerry whoaah! " Nilingon ko si Benz na kasalukuyang nanonood ngayon ng Tom and Jerry. Pagkauwi niya simula kanina ay pinapanood na niya ang palabas na'yan. Pati nga si Kael ay nakikinood narin.


" Hahahaha " Kael


" WAHAHAHAHAH! Sige Spike! habulin mo! Yaaan! Sige HAHAHAHA! " Grabe naman 'to makatawa si Benz. Kung meron lang kaming kapitbahay eh baka pinagbabato na kami ngayon. At tsaka, ba't parang hindi sila nag aalala kay Ish? T.T


" Ah Benz.." Tawag ko sakanya, lumingon naman siya agad " Bakit Bossing? " Tanong niya pero yung mata niya nakatingin pa rin sa T.V


" Si Ish kasi, hindi pa umuuwi." Nag aalalang sabi ko. Tumingin naman siya sa'kin matapos kong sabihin yun pagkatapos ay ngumisi siya. " Naku, huwag ka ng mag alala dun Bossing. Ang weird mang pakinggan pero naiinsulto yun kapag may taong nag aalala sakanya." Makabuluhang sagot niya kaya nangunot ang noo ko.


" Anong ibig mong sabihin Benz? "


Umiling naman siya habang natatawa pa. " Hindi mo pa nga pala nakitang nakipag laban si Ish. Alam niyo kasi bossing, si Ish yung tipong experto sa Martial Arts. Hindi man halata sa kilos at mukha niya pero bago pa man siya napadpad sa mundo ng Mafia, dati siyang Pinuno ng sariling niyang angkan noon. Ang angkan ng mga Valderama." Napanganga ako sa lahat ng narinig ko. Si Ish? Isang pinuno ng sarili niyang angkan?


" Minsan na kaming naglaban ni Ish noon. Pero alam niyo ba kung anong nangyari? " Tumingin naman siya samin ni Kael ng pabalik balik habang nakangiti. " Alam niyo ba? " Ulit niya kaya umiling ako. " Parehas tayo, hindi ko din alam eh. Pfft." Dagdag niya habang natatawa pa. " Nakatulog kasi nun. Hindi ko alam kung anong nangyari pero sa huling natatandaan ko, isang atake lang ang ginawa niya at bigla nalang akong nawalan ng malay." Ibinalik na ulit niya ang atensyon sa TV " Kaya nga takot ako dun eh." Natatawa pa niyang pahabol.


Hindi ako makapaniwala na ganun kalakas si Ish. Ang akala ko isa lamang siyang matalinong hacker ng grupo. Ni hindi man lang sumagi sa utak ko na marunong siyang mag karate karate na yan gaya ng sinabi ni Ish. Nakakamangha.


Pero kung na'san man siya ngayon...sana ay ayos lang siya.




[ Ish's PoV ]



Kaasar! Ang bilis namang tumakbo ng malaking nilalang na'to. Hindi ko mahabol. Binilisan ko ng konti ang takbo ko pero binilisan niya rin ang takbo niya. Anak ng! Sinusubukan mo ang bilis ko ha.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now