Episode 31: The Hitman's Weakness

6.3K 216 32
                                    

Episode 31: The Hitman's Weakness


*******

[ Kael's PoV ]


Nangilid ang isang luha sa kanang mata ko kaya agad ko iyong pinahiran.

Hindi parin talaga ako makapaniwala sa nangyari kay Elon. Naalala ko bigla yung panahon na kung saan ay pinarusahan ako ni Boss Jin dahil kapalpakang ginawa ko sa pagdispatsa kay Mr. Lincoln. Tanging siya lang ang naglakas ng loob na ipagtanggol ako nun. Siya lang ang naglakas loob nun na kausapin si Boss Jin. Alam ko kahit tahimik si Elon ay napakabait niyang tao. Napakasayang talaga ng buhay niya.

" Umiiyak kaba, Kael? " Tumingin ako kay Boss sa gilid ko nung magtanong ito. At...hindi ko alam kung matatawa ba ako sakanya o ano eh. Yung mukha niya kasi parang gulat na gulat siya at hindi makapaniwalang napaluha ako.

Tumawa ako ng kaunti. " Hindi, napuwing lang ako Boss."

" Hindi eh, umiiyak ka eh." Pfft. Napailing nalang ako. Minsan mapapatawa ka nalang talaga sa pagkainosente ng mukha ni Boss.

" Lalabas na muna ako saglit Boss." Paalam ko tsaka ako tumayo sa pagkakaupo. " Sige. Huwag ka lang masyadong magpkalayo ha. Mamaya lang rin ay uuwi na tayo."

" Masusunod Boss." Sagot ko pagkatapos ay lumabas na ako dito sa chapel. Naglakad lakad na muna ako para magpahangin. Nag iisip ng kung anu ano. At sa pag iisip ko..

" Sabihin mo sa mangmang kong kapatid na nalalapit na ang muli ang pagkikita namin."

Saglit akong napahinto nung maalala ko ang mga salitang yan. Hindi ko alam kung baket.

Hinahanap ng paningin ko si Argo kanina pero di ko siya nakita. Ang akala ko nga ay magkikita na sila dito pero--

" Ang lalim yata ng iniisip mo." Nabalik ako sa ulirat nung marinig ko ang boses ni Veronica.

" Andito lang pala kayo." Lumapit ako kila Steph at Veronica na nakaupo sa isang bench sa may garden dito sa gilid ng chapel " Na'san si Helena at Nero? " Tanong ko sakanila.

" Andun sa loob." Steph.

" Ahh."

" Salamat nga pala kanina " Tumingin si Nica sa'kin at ngumiti ng bahagya.

" Salamat saan? "

" Kanina, dun sa pagsangga mo sa suntok ni Nero." Sagot niya. Aw. Yun pala.

" Wala yun. Kahit naman siguro hindi ko sinangga yun maiiwasan mo parin yun." Natatawa kong sabi sakanya.

" Sa totoo lang ay napabilib mo ako kanina. Isang kamay lang ang ginamit mo sa pagsangga sa suntok ni Nero. Sa tingin ko ay lumakas na ang pisikal na pangangatawan mo." Sa totoo lang din ay medyo nagulat din ako kanina sa pagsangga ko. Hindi ko alam na makakaya ko ang suntok ni Nero gamit ang isang kamay lang. Gayung napakabigat ng kamay niya dahil sanay itong humawak ng naglalakihang mga sniper rifle.

" Kumusta kana pala? Ayos lang ba buhay mo sa pader ng mga Virgo? " Biglang tanong ni Stephan sa'kin kaya napatingin ako sakanya.

" Ah okay lang naman." Sagot ko.

" Wala akong tiwala sa mga Virgo..pero sa ngayon sila lang ang pwede kong hingan ng tulong para sa proteksyon mo. " Seryosong saad niya at naguluhan ako sa sinabi niya.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon