Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )

6.6K 227 32
                                    

 Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )


******


[ Virgel's PoV ]


Pagpasok ko sa loob ng mansyon, naabutan ko sina Hugo, Ish at Benz na nagbubuklat ng parang isang malaking album.

Ano kayang tinitignan nila?

"O Boss. Kumusta? Okay ka naba?" Tanong ni Hugo nung mapansin niya ako na papalapit sakanila.

Ngumiti ako sakanila " Ah oo hehe" Ewan pero si Hell lang talaga ang kayang magpalinaw ng utak ko. Pag gulong gulo ang isip ko, ang mga salita niya ang nagpapaayos nito. Dati kayang pastor si Hell? 

" Mabuti naman, Boss. Na'san si Hell? " Ish

" Andun sa labas naninigarilyo." Sagot ko sabay upo sa tabi nila. " Ano yang tinitignan niyo?"

" Ah ito ba? Mga dating litrato to ng Virgo Family" Sagot naman ni Ish. Tama siya. Sila nga yung nandun sa mga litrato kasama ang dating Boss.

Medyo bata pa sila Ish dito sa mga litrato na tinitignan namin tapos...

"Pfft. Ikaw ba 'to Benz?" Tanong ko kay Benz sabay turo nung picture. Ang emo niya naman dito tapos sobrang payat pa.

"Hahaha! oo Boss siya nga yan. Parang drug addict lang sa sobrang payat eh." Natatawang sagot ni Ish kaya pati tuloy kami ni Hugo ay natawa.

" Grabe ka naman Ish. *pout* Porket payat drug addict agad? Hindi ba pwedeng.."

"Ano? Tirador ng Katol? Okay Hahahah! "

"Ish naman eh.."

Kahit kailan talaga tong dalawa hahaha.

Pagkatapos naming magtawanan pinagpatuloy na ulit namin ang pagbuklat ng Album. Puro mga picture lang naman nila Ish ang nandito..tapos meron ding mga litrato si Ama na parang nagsasalita siya sa harap ng maraming tao. Grabe, siguro sikat na sikat siya noon.

At ang huling litrato na nakadisplay sa album ay isang malaking group picture.

Pero ang ipinagtaka ko lang ay bakit sampung tao na ngayon ang nasa likuran ni Ama sa picture na'yun?

Andun silang lima ni Ish na nakasuot ng maitim na tuxedo samantalang yung limang tao naman na hindi ko kilala ay nakasuot ng kakaibang suot. Para silang mga ninja sa suot nila. Nakatakip ng parang mask yung bibig at ilong nila.

" Sino sila?" Tanong ko sabay turo dun sa mga parang ninja sa picture.

" Sila ang top 5 Offensive weapon ni Boss Vlad noon." Hugo.

" Top 5 offensive weapon? Pero akala ko ba kayong lima ang.."

" Kaming lima naman ang Top 5 defensive weapon ni Boss Vlad. Diba sabi namin sayo na kami ang limang pinagkakatawilaan ni Boss Vlad pagdating sa seguridad ng buhay niya? Kung kaming lima ay sa seguridad ni Boss Vlad, meron ding limang malalakas na Assassins ang pinagkakatiwalaan niya pagdating sa pagtutumba ng mga target ng organisasyon." Paliwanag ni Hugo.

" Na'san sila? Ba't hindi ko sila nakikita dito sa mansyon?"

" Kasama silang nawala nung mga panahong nadukot si Boss Vlademir ng mga Fuego. Siguro ay tumiwalag na agad sila sa grupo dahil wala na silang master na pagsisilbihan pa." Hugo.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now