Episode 13: Preparing

7.7K 250 17
                                    


Episode 13: Preparing


(Patingin sa media. Pic nila Virgel at Agnes. Kirisaki Chitoge as Agnes :) Check niyo nalang sa google ibang pics niya hahah ) 


EditedOct2018



*******


[Virgel's PoV]


Mukhang ganito na ata talaga ang kapalaran ko. Itong mundo na'to na nga ata talaga ang iikutan ko. Nangyayari ang lahat ng bagay dahil sa rason. At sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko, siguro ito na nga yung rason nun. Ang mapadpad dito at masanay. 

Sinubukan kong bumangon kaya agad umalalay sila Ish. "Dahan dahan, Boss."

"Siguro nga tama ka." Tinignan ko si Hell na seryoso lang na nakatingin sakin habang nakahalukipkip. Kahit siya ang pinaka seryoso sa kanila, siya lang rin ang may kayang ipamukha sa akin ang mga bagay bagay. "Dapat na akong masanay."

Tinignan ko si Ish. "Ish, pakiusap dalhin mo ako sa lalaking 'yun. May itatanong lang ako." Tumango naman siya at inalalayan akong makatayo sa kama. Mejo mabigat parin yung ulo ko pero kailangan ko ng makausap yung lalaking yun. 

Pagkarating namin sa room niya, nakita ko siyang nakahiga lang sa kama niya at parang ang layo ng iniisip.

Galit parin ako sakanya dahil sa ginawa niya kay Kael pero may parte sa'kin na naaawa rin ako dahil sa kalagayan niya ngayon.

Nung makita niya kaming pumasok, biglang napalitan ng sobrang takot na may kasamang galit ang mga mata niya. Na para bang nakakita siya ng halimaw sa harapan niya.

"B-baket ka nandito?! Papatayin mo din ba ako, ha?! Halimaw ka--arghhh!" Napahawak siya sa dibdib niya nung napalakas ang sigaw niya. Sabi nila halos mabali na rin daw ang ribs niya sa tinamo sakin. Napayuko nalang ako. 

"May baril ako dito ungas. Sigawan mo pa ulit si Boss at pasasabugin ko yang bunganga mo." Seryosong banta ni Ish kaya agad ko siyang inawat."Tama na, Ish." Ayoko ng lumaki ang gulo. 

Lumapit ako sa gawi nung lalaki kaya halos mapaatras siya sa hinihigaan niya. Di ko akalain na dadating ako sa puntong may matatakot ng makakita sa pagmumukha ko."Hindi ako pumunta rito para manggulo. May itatanong lang ako sayo." Sabi ko. Hindi siya kumibo kaya nagpatuloy ako. "San dinala ng mga kasama niyo si Agnes?" Tanong ko pero parang pinipigilan niyang sumagot.

"Tinatanong ka ni Boss! Sumagot ka!" Sigaw na naman ni Ish kaya sininyasan ko lang siya na tumigil.

"Pakiusap sabihin mo sa'kin, kailangan kong iligtas si Agnes." Pagmamakaawa ko. Tinignan lang niya ako sa mata at sobrang tagal sumagot. Pero maya maya pa'y nakumbinse ko rin siya. 

"Andon siya sa kamay ni Boss Victor ngayon."

"Saan? Anong lugar? Pakiusap sabihin mo sa'kin." Bigla naman siyang natawa sa tanong ko.

"Tinatanong mo kung nasaan siya ngayon? Hindi mo alam kung sino ang kakalabanin mo bata. Ang El Satans Gang ang pinakamalakas na Gang dito sa lugar natin. Pinamumunuan ito ni Boss Victor Casero. Isang dating myembro ng Elfame Mafia kaya sigurado akong hindi mo siya kaya." Pagkasabi niya nun, si Ish naman yung biglang natawa.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now