Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )

7.3K 242 31
                                    

Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )



EditedNov2018


*************


[ Benz's PoV ]


"Bilisan mo!" Sigaw ko kay Kael habang papunta sa kwarto kung nasan si Bossing. Medyo natagalan kami sa baba dahil anak ng nesfruta yan! Ang dami talaga nila masyado!

"Ito na yung pintuan diba?" Tanong ko kay Kael. Tumango lang siya kaya sinipa ko na agad ang pintuan. Ganyan talaga ang mga action star. Di nila alam kung papano gamitin ang doorknob kaya sinisipa nalang nila yung pintuan. Hehehee

Pagbukas ng pinto. Tatlong tao agad ang nakita namin. Isang babaeng nakaupo na nakayakap sa isang nakahigang lalaki tapos isa ring lalaki na nakahi--teka..mukhang si Bossing 'yun ah!

"Bossing!" Agad akong pumunta sa direksyon ni Bossing para tulungan siya.

"Bossing ayos ka lang?" Hinawakan ko agad ang pulso niya at sa kabutihang palad ay pumipitik pa naman.

"Mukhang nawalan lang siya ng malay." Usal naman ni Kael.

Napatingin naman ako sa dalawang nagyayakapan. PDA!

"Ayos ka lang ba, Agnes?" Nagulat ako sa tanong ni Kael. Agnes? Diba pangalan 'yun nung ililigtas namin? Yung Girlfriend ni Bossing? Siya naba yun?

"Itong babae na to ba ang tinatanong mo Kael?" Takang tanong ko sabay turo dun sa babaeng may ka PDA

Tumango siya kaya nanglaki ang mata ko.

"Whaaaaat?!! Eh ba't may kayakap tong iba?! Akala ko ba Girlfriend ni Bossing yan?!" Grabe! Sino siya para pagtaksilan si Bossing?! Hinimatay lang si Bossing nanlandi na agad ng iba! Di to katanggap tanggap!

"Yang kayakap ni Agnes ngayon ang Boss ng El Satans. At sa tingin ko wala na'tong buhay." Sagot ni Kael kaya napatingin ako ng maigi dun sa lalaki. Mukhang patay nanga to dahil hindi na gumagalaw tapos maraming pang dugo sa may banda ng ulo niya.

Pero..

"Di naman yan yung isyu Kael eh. Ang isyu dito, pinagtaksilan niya si Bossing! She's cheating!" Inis kong sabi. Bigla namang natawa ng konti si Kael.

"Baka marinig ka ni Agnes, Benz." Napatingin naman ako sa babae. Hindi parin siya kumikibo.

"Alam ko naririnig mo ako indai! Baket mo pinagtaksilan ang Boss namin?! Baket?! Humarap ka! Face me!" Sigaw ko sakanya. Lumapit naman si Kael sakanila para icheck ang babae.

"Alam ko nagpapanggap ka lang jan na walang naririnig! Bakit di ka makaharap sa'kin? Maybe bacause you're fvcking guilty! Am I fucking right? Yah! Youre fucking guilty!! that's why you cant even look at-- "

"Tulog siya." E-eh?

"Ha?"

"Tulog si Agnes kaya walang mapapala yang pag eenglish mo jan." Natatawang sabi ni Kael. "Tulungan mo nalang ako dito " Inalis niya si Agnes sa pagkakayakap sa lalaki tapos inihiga niya ito ng maayos.

Napatingin naman ako sa lalaki. Grabe, naliligo ang mukha niya sa sarili niyang dugo sa ulo. Sigurado akong yung isang katauhan na naman ni Bossing ang may gawa nito.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon