Episode 18: The Elfame King's Decision

7.8K 263 17
                                    

Episode 18: The Elfame King's Decision



EditedNov2018



*******


[ Ace's PoV ]



"Saan natin to itatapon?" Tanong ni Bullet habang nakaupo sa bangkay ng nahuli at napatay naming kalaban na pumasok sa Elfame Palace.

"Itapon niyo sa ilog or di kaya sunugin" Suggest naman ni Spot. Andito nga pala kaming lahat na mga Chess Pieces ngayon maliban sa King at Queen. Nakapalibot kami lahat sa bangkay ng isang myembro ng Walong Diablo. Oo, myembro ng Fuego itong nahuli at napatay namin. Tresspassing kasi eh. Tapos pinagtangkaan niya pang galawin ang King namin, buti nalang at nahuli namin siya agad . Medyo nahirapan pa kaming patumbahin to dahil napakalakas niya kahit na wala siyang armas at kamao lang ang gamit niya. Pero gayunpaman, kahit malakas siya, mag isa lang siya kaya di nagtagal natalo rin namin siya. Kaso nga lang may myembro din ng Chess Pieces ang idinamay at napatay niya. Pangahas talaga 'tong Fuego kahit kailan!

"Alam niyo dapat na tayong kumilos eh. Umaabuso na yang mga Fuego na'yan! Ilang myembro na natin ang pinatay nila." Komento ni Cast, isang Pawn sa grupo.

"Tama! Tahimik lang tayo pero sila tong nanggagambala! Dapat na natin silang turuan ng leksyon!" Pagsang ayon naman ni Frost

"Wag." Nagulat kaming lahat nung sumulpot ang King at Queen.

"Pero King, kung di tayo kikilos, baka manganib na naman ang buhay niyo." Suway ni Chase.

"Hindi pa ito ang tamang oras." Mahinahon na sagot lang ni King.

"Pero King, kaila--"

Di pa man natatapos sa pagsasalita si Chase ay bigla nalang dumaplis ang isang shuriken sa pisngi niya.

"Wag na wag mong pangunahan ng decisyon ang kasintahan ko." Maanghang na lintanya ni Queen Venus.  Kung anong ikinalmado ng King ay siya namang ikinabrutal ng Queen namin.

"P-patawad po, Queen." Yumuko si Chase bilang paghingi ng paumanhin.

"Sige na, sunugin niyo nalang yang bangkay na'yan."

"Masusunod King Casper" Yumuko kaming lahat sakanila bago sila tumalikod at umalis.

Lumapit naman bigla si Akron sa'kin pagkatapos "Ace, sama ka sa'kin." Isa rin siyang Rook katulad ko. Kami na ang magpartner simula nung matayo tong ang Chess Pieces. 

"Saan?"

"May papatayin ulit tayong Diablo." Sagot niya sabay ngisi.

"Tanga ka ba? Kakasabi lang ng King na huwag tayong makipaglaban e." Bulong ko, baka kasi may makarinig samin.

"Ayaw mo ba nun? Pag naubos natin ang Walong Diablo, hindi na manganganib pa ang buhay ng King natin. Tapos kapag nalaman niyang nakapatay tayo ng isa pang Diablo, sigurado akong matutuwa si King at paparangalan niya tayo."
Paliwanag niya kaya napaisip ako.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now