Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2

7.3K 277 146
                                    


Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2



*********



[ 3rd Person's PoV ]


Nasa kalagitnaan lamang sa pag iisip si Stephan ng biglang sumugod sakanya si Hiro. Sinubukan niyang sanggain ang suntok nito gamit ang matinding depensa---pero maling hakbang ang ginawa niya.


Sa lakas ng suntok na pinakawala ni Hiro ay biglang nag crack ang mga buto sa kanang braso niya na ginamit niya sa pagsangga bago siya tumilapon ng napakalakas.


" AAARRRHHH!! " Buong lakas siyang napahiyaw dahil sa pagkabali ng kanyang mga buto sa braso. Hindi gaanong malaki ang katawan niya kaya di kinaya ng mga buto niya ang impact ng pagkakasuntok ni Hiro. Para siyang nahampas ng isang malaking bakal ng napakalakas sa suntok na yun.


Sobrang lakas ng epekto ng droga kay Hiro. Nagbibigay nga ito ng kakaiba at matinding lakas sa naturukan nito. Pero kapalit naman nito ay mawawalan ka ng kontrol sa sarili mo.


Napahawak siya sa kanang braso niya at pilit iniinda ang sobrang sakit.


Ngayon ay nasa harapan na niya si Hiro habang nakatingin sakanya at nagtutulo na naman ang mga laway. " Rrrrgh...Arghhh! " Para na itong hindi tao. Susuntukin na naman ulit sana siya ni Hiro ng makita niya ang biglang pagtusok ng palaso sa kanang braso nito. Napatingin si Stephan kay Nica.


" Tumayo kana jan! " Sigaw ni Nica habang nakatingin sakanya. Biglang sumugod si Valentine kay Nica kaya naputol ang pag titigan nilang dalawa. Muli ay ibinaling niya ang tingin kay Hiro na ngayon ay nakatingin na sa palaso na nakatusok sa may braso niya.


" HA! HAHA! HAHAHAHA! HAHAHAHAHA! " Bigla itong tumawa ng napakalakas na parang nasisiraan na ng bait. Hindi man lang ito natinag matapos siyang tamaan ng palaso ni Nica. Nakuha pa nitong tumawa. Bubunutin na sana nito yung palaso ng biglang sumigaw si Valentine. " MAY BOMBA YAN HIRO!! " SIgaw niya pero huli na nung maisigaw niya yun dahil sumabog na ito at tumilapon si Hiro ng napakalakas. Sa lakas ng pagkakabanga niya ay tumilapon rin yung mga injections na nakalagay sa bulsa sa likuran niya. Yung iba ay nawasak at yung ilan naman ay hindi.


Nung mapatayo si Hiro mula sa pagkakabangga ay nanlaki ang mga mata ni Steph nung makita niya ang putol na braso ni Hiro.


Napakalaki na ng tinamo nito pero nakukuha parin nitong tumayo na parang walang iniindang sakit.


Napakatibay niya..


Nag isip siya ng pwedeng gawin sa kalaban niya.


Paano ko ba mapapabagsak ang isang 'to? Parang hindi na siya tao.


Saglit namang nadapo ang tingin niya sa mga injections na nagkalat malapit kay Hiro. Tinitigan lang niya ito hanggang sa makaisip siya ng isang plano.


Tama. Yung nalang ang gagawin ko.


Tinignan niya si Nica, at nung magtama ang kanilang mga mata ay tumango sila sa isa't isa.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now