Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )

4.8K 182 35
                                    


Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )


*****


[ Felix Sy's PoV ]


Matapos kong ibaba ang cellphone ko ay napatingin ako sa harapan namin. Kasalukuyan kaming nakatayo ngayon dito sa ibabaw ng mga puno. Si Argo ay nasa may unahan habang kami naman ay nasa likuran niya lang. Lahat kami ngayon ay nakatingin sa nag iisang destinasyon namin ngayon. Ang malawak at napakalaking Palasyo ng Elfame. Kitang kita dito mula sa kinatatayuan namin ang liwanag na nanggagaling dun.


" Ansabe ni Asher? " Biglang tanong ni Sebastian.


" Tutulong siya. Sa ngayon ay kasalakuyan ng nagagamap ang digmaan sa loob ng palasyo."  Kailan lang din namin nalaman na nandun pala siya ngayon sa Elfame at ginagawa ang misyon nyang magpanggap bilang kakampe nila. Tinignan ko ang likuran ni Argo." Kailangan na nating magmadali."


Tinignan ko si Trace sa may kanan ko. Tahimik lang ito at naghihintay lang rin sa pagkilos ni Argo. Ngayon ay si Elfred naman ang tinignan ko, at medyo nagtaka ako dahil sa mukha niya palang ay halatang may ibang iniisip ito bukod sa misyon namin.


" Elfred." Tawag ko. Medyo nagulat rin siya kaya mabilis syang tumingin sakin " Baket? "


" Ayos ka lang? "


Tumango naman ito sabay sagot ng " Oo. Maayos lang ako." Kami pa lolokohin.


" Suuus, kinakabahan yan kasi baka makita niya yung kakambal niya dun." Natatawang singit ni Sebastian.


Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan, may kakambal nga pala si Elfred na myembro ng Chess Pieces. Kaya pala kakaiba na ang kinikilos niya simula pa kanina.


" Pano pag hinadlangan tayo nung kakambal mo sa pagligtas natin sa anak ni Boss? Tatapusin ba nati--"


" Hindi! " Biglang sigaw ni Elfred na ikinaputol ng sasabihin ni Trace. Kita naming napakuyom ito. Halatang gulong gulo ngayon ang pag iisip niya. " Hindi natin isasali si Elrien." Patuloy niya na ikinatahimik ng lahat.


Alam namin kung gano kamahal nitong si Elfred ang kakambal niya. Saksi kami nung mga panahong mga bata palang kami. Sa pag aalaga niya palang, makikita mo na kung gano ka importane sakanya ang kakambal niya.


Pero nagbago bigla ang pag ikot ng mundo nila nung nag desisyon si Elfred na maging assassin ng Virgo Mafia at sumabak sa isang misyon.


" Hindi isasali? " Napantig ang tenga naming lahat nung magsalita si Argo. Kasabay nun ay ang pag ihip ng malakas na hangin. " Ang kalaban ay kalaban, Artizan. Alam mo yan." Lumingon ng kaunti si Argo samin bago ibinalik ang tingin sa harapan niya. Nakita naman naming napakagat ng labi si Elfred dahil sa sobrang inis. Gusto niyang makiusap kay Argo, pero kilala na niya ito. Alam niyang hindi ito makikinig sakanya.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now