Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )

5.2K 164 28
                                    

Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )

 

******


[ Helena's PoV ]


" Masakit ba? " pagtuturo ko sa kamay ni Elsa dahil kanina ko pa napapansing hawak hawak niya ito habang nakaupo kami dito.


" May nabaling buto ata." Inaalalayan niya lang ito gamit ang kaliwang kamay niya para di ito magalaw.


" Ano bang nangyari? "


" Kakasangga ko sa sipa nyang bata na yan " Sagot niya sabay nguso dun sa bata na ngayon ay tulog parin.


Natawa ako ng konti " Ang lalakas naman ata ng mga sipa niya para magkaganyan yang kamay mo " Marahan rin siyang natawa.


" Nako, parang nahampas ka lang rin ng isang bakal sa sobrang lalakas ng mga sipa niya." 


Nasa kalagitnaan lang kami ng pag uusap ni Elsa ng biglang magsalita si Dorothy " Nakukuha niyo pa ring tumawa? " Nilingon namin siya. " Hindi ba kayo nag aalala sa mga kasamahan niyong lalaki kanina? " Tanong pa nito.


" Syempre nag aalala rin naman. Pero may tiwala kami sakanila." Nakangiting sagot ni Elsa. Tama siya, malalakas naman silang tatlo eh. Sigurado akong kakayanin nila ang iligtas si Virgel dun. At isa pa nandun sila Argo. Sobrang laki ng maitutulong nila sa sitwasyon namin ngayon. Buti nalang talaga at rumesbak sila.


" Nasa ikaapat na palapag ng mansyon na'to matatagpuan ang napaka delikadong silid kung saan makikita ang Bishops ng Elfame." Seryosong saad niya


" Bishops? "


" Ang napakalakas na kambal na myembro ng Chess Pieces. Sina Abel at Aiden Belfour, oh mas  kilala sa alyas na sina Target at Bullet." Tumingin siya samin ng seryoso bago nagpatuloy.


" Nasa panganib ngayon ang mga kasamahan niyo."



[ Ish's PoV ]


Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa silid na'to ay mabilis kaming sinalubong ng isang lumilipad na baraha..at papunta iyon sa direksyon ko.


Dahil sa hindi ko inaasahan ang atakeng yon ay hindi rin agad nakareact ang katawan ko para umilag.

Naloko na.


Pero bago pa man ito tumama sa mukha ko ay mabilis na itong nahati ni Benz gamit ang samurai niya. Mabuti nalang " Ayos ka lang, Ish? "


" O-oo. Salamat." Sekreto kong tinignan ang kamay ko. Putek! Kanina pa 'to nanginginig. Ano bang nangyayari sa'kin? Sa pagkaka alam ko hindi ako marunong matakot sa mga makakalaban ko. Pero ba't ganito? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now