Episode 12: Awaken

7.5K 268 12
                                    

Episode 12: Awaken


EditedOct2018


************


[ Kael's PoV ]


Kasalukuyan akong nagsusulat ngayon sa notebook ko. Pero yung utak ko ang layo na ng tinakbo. Bumibigat na ang ulo ko sa dami ng iniisip ko.

Halos isang buwan na rin ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi ko parin nagagawa ang misyon ko. Nauubusan na ako ng ora--

Bigla akong napatigil sa pagsusulat nung biglang dumoble yung paningin ko. "Argh" Napahawak ako sa ulo ko dahil kumikirot na naman. Napapadalas na 'tong pag sakit ng ulo nitong kailan lang. Ano bang nangyayari sakin? Pinikit ko saglit yung mga mata ko para agapan yung pagkahilo ko. 

Maya maya pa ay dahan dahan narin itong nawala. 

Napansin ko naman ang pag ring ng phone ko kaya kinuha ko ito. At pagtingin ko sa kung sino yung tumatawag, biglang nanikip yung dibdib ko sa kaba.

Nag alinlangan pa akong sagutin ito pero sa huli ay sinagot ko nalang.

[Kael.."

"K-kayo pala. Ba't kayo napatawag?"

[Wala naman. Nangangamusta lang ako sayo at sa misyon mo. May balita na ba?]

"P-pasensya na pero di ko pa yun nagagawa." Narinig ko naman siyang natawa sa kabilang linya.

[Ganun ba siya ka importante sayo?]

Napakagat nalang ako sa labi ko dahil sa inis. "Oo. Kailangan ko pa ng panahon."

[Eh ang grupo mo?  Akala ko ba importante sayo ang Fuego? ]

"Importante din naman pero--"

[Malapit na akong mainip, Kael. Magdecisyon kana. Tatlong linggo. Tatlong linggo ang huling oras na ibibigay ko sayo. At pag hindi mo pa nagawa ang misyon mo, hindi ko na sasabihin. Alam mo na ang mangyayari.] Huling banta niya bago pinatay yung tawag. 

Nakahawak nalang ako ng mahigpit sa cellphone sa sobrang inis. Nakakainis. Bakit kailangan pang mamili? Nag eexist nga talaga ang salitang 'sakripisyo' sa mundong 'to. 

Dapat na akong mag decisyon. Dapat na akong mamili kong anong hakbang ang gagawin ko.

"KAEL!" Napatingin ako sa pinto ng room nung bigla kong marinig ang boses ni Virgel.

Di ko maiwasang mapangiti ng mapait. 


*****


[ Virgel's PoV ]


Dali dali akong bumaba sa rooftop at pumunta sa room para pagsabihan si Kael. Ayokong ma abugbug!

Pagpasok ko, nakita ko agad siya na nakatingin lang sa cellphone niya at mukhang ang lalim ng iniisip.

"KAEL!" Agad kong tawag tapos lumapit ako sakanya.

"Baket, Boss? May problema ba? " Ayan na naman yung mga ngiti niya. Pero mamaya na'yan, mas importante sa'kin ang buhay kooo!

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now