03

390 35 0
                                    

AYLA's POV

Maaga ulit akong pumasok sa school ngayon. Ayos naman ang morning class namin kahit minsan nakakatulog ako. At ngayon naman ay afternoon class na namin, sa ComLab kami ngayon mag-kaklase dahil ICT ang subject namin ngayon.

Pinapipila na kami ngayon dito habang hinihintay namin na tawagin ang mga apelido namin para sa arrangement ng mga upuan.
Alphabetically kami tatawagin at salitan ang upuan ng mga lalaki at babae.

Pumila na ako sa huli dahil Villafuerte ang apelyido ko, katapat ko dito sa Jaspher. Ngumiti siya sa akin ng makita ako sa tapat niya pero hindi ko na siya pinansin, pero maya-maya'y kinausap niya na ako.

"Hi!" bati niya sa akin at tinanguan ko lang siya pero muli siyang nagsalita.

Kalalaking tao, ang daldal nito...

"uhm... Ano nga pala pangalan mo? tsaka okay ka lang ba? Sobrang tahimik mo eh..." tanong niya sa akin kaya humarap ako sa kaniya para sumagot.

"Ayla Maxillien, you can call me Ayla... at oo ayos lang ako." simpleng sagot ko sa kanya.

"Ah, okay. Hmm...Ayla, nice name!" sambit niya pa sa akin at ngumisi lang naman ako sa kaniya bago miling tumutok sa teacher namin dahil malapit na din akong tawagin.

At mamaya lang ay tinawag nga na ako.

"Villafuerte!" tawag sa akin ng teacher namin sabay turo sa silya ko sa tabi ni Drei Vasco kaya dumeretso ako doon at naupo.

"Villamin!" sunod na pag-tawag ng teacher namin sa susunod na uupo dito sa tabi ko.
Si Jaspher pala iyon, Villamin nga pala apelido niya.

"Ikaw yung transferee 'di ba?" tanong pa ni Mrs. De Chavez kay Jaspher at tinanguan lang siya nito na may maliit na ngiti sa labi bago umupo sa silya sa tabi ko.

Nang makaupo na naman ang lahat ay nag simula na rin ang klase namin.

"Since ngayon palang naman ang unang klase natin, aalamin ko muna kung sino sa inyo ang may alam na o nakapag-advance reading man lang, is that okay, class?" pa unang sambit ng guro sa amin.

"Yes ma'am!" pagsang-ayon namin pero alam ko naman na ayaw talaga nang karamihan sa amin dahil halos wala pa kaming alam dito.

Nagtawag lang si ma'am ng mga sasagot at wala pa namang hindi nakakasagot sa kaniya hanggang sa ako ay ang natawag na rin.

"Miss Villafuerte!" tawag niya sa akin kaya tumayo ako at hinarap siya.

"What is the use of HTML? And can you please give its meaning?" tanong niya sa akin at sumagot naman agad ako.

"HTML means Hyper Text Markup Langguage, and it is used for creating wabsites and webpages." sagot ko sa kaniya at naupo na ulit dahil tama naman ang sagot ko.

Nag-advance reading kaya ako...

Nagtawag na ulit si ma'am hanggang sa natawag niya naman ay ang kaklase ko na si Elley.

"Miss Castro, what is the difference between website and webpage?" tanong ng teacher namin kay Elley at mukhang kinabahan agad ito, halatang hindi alam ang sagot.

"What now Miss Castro? Ano ng alam mo?" naiinip na tanong ng teacher daahil hindi pa din nasagot si Elley.

"I'm s-sorry Ma'am but... I don't really h-have an i-idea." kinakabahan na paumanhin ni Elley at mukhang nainis naman agad si Mrs. De Chavez sa sinabi nito.

"Ano ba naman 'yan Miss Castro! Hindi ka man lang ba nag-basa noong bakasyon?! kahit advance reading man lang?!" inis na tanong niya kay Elley at napangisi nalang ako sa sinabi nito.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now