30

119 13 0
                                    

AYLAS's POV


Natapos ang prom namin pero parang hindi ko na ata makakalimutan ang gabi na iyon. Hindi lang 'yon naging isang simpleng prom night sa akin dahil para sa akin ay naging gabi iyon ng katotohanan.


Ang daming kong nalaman noong gabing 'yon at kapalit nun ay ang ilang beses rin na pag-luha ko matapos malaman lahat ng nalalaman ko na ngayon.




Pero sa kabila ng lahat ng 'yuln ay hindi ko pa rin maiwasan ang matuwa, akala ko ay puro galit at sakit lang ang mararamdaman ko pero hindi pala, sobrang saya ko kasi bumalik na siya. Bumalik na ang best friend ko, si Javen. Naalala ko na lahat.







"Hindi ko pa rin malimutan 'yung nangyari noong prom night! Grabe! Mag-kababata pala talaga kayo. Hindi naman kasi agad sinabi nj Jaspher, si Ayla naman makakalimutin pala talaga!" reklamo ni Rine sa amin ngayon.



Nandito kami ngayon sa LUNA, naglalaro lang kami dito dahil wala namang pasok kasi weekends na.





"Hahahaha! Oo nga, 'di ko rin kinaya ang mga pasabog n'yo doon, ah! Hahaha!" pag-ayon pa ni Erin bago nag patuloy sa paglalaro.






"Ang tagal nga rin nga akong pinagtaka nitong si Javen! Hindi man lang sinabi agad sa'kin! Lagi ko pa namang napapanaginipan." sambit ko rin habang nakikilaro sa kanila.






"Natakot kasi ako. Sorry." sagot naman ni Javen pero ngumiti lang ako sa kaniya. Naiintindihan ko na naman siya ngayon.





"Teka, bakit nga pala Javen at Ayen nicknames n'yo? Saan galing 'yon? Hahahaha." maya-maya ay tanong naman ni Kath sa amin.





"Ah, kami nag bigay ng nicknames na yun sa isa't isa noon." natatawang kwento ko sa kanila, at natawa nalang rin naman sila doon.





Nagpatuloy nalang kami sa paglalaro at hapon na rin nang maisipan na naming umuwi.

Nandito na kami ngayon sa village, naglalakad lang. At habang naglalakad kami ay biglang nag ring ang phone ko dahil sa isang tawag.


Tita  Celine- maldita calling...

Natawa agad ako ng bahagya matapos makita ang pangalan ng caller, ganito ang pangalan niya sa conatcts ko kasi 'yon ang pinang-aasar ko sa kaniya.





"Bakit napatawag ang tita kong maldita? Hahahaha." nang-aasar na sagot ko sa tawag niya.




["Tigilan mo ko Ayen, ha! Baliw ka!"] inis na sagot niya naman sa akin, lalo lang naman akong natawa sa kaniya.





"Hahahaha! Mas baliw ka pa rin Tita. Pero bakit ka nga napatawag?" sambit ko naman ulit sa kaniya.





["Tsk! Isama mo raw dito mga kaibigam mo, lalo na si Javen! Dito mo na raw sila ayain mag dinner ngayon."] sambit niya naman mula sa phone.





"Bakit may pa dinner? Anong meron tita?" tanong ko naman.





["Wala lang! Bawal ba? Gusto namin maka kwentuhan ng lola mo si Javen, eh. Hahahaha!"] sagot niya naman.





"Tss... sige na tita, sabihin ko sa kanila. Bye." sambit ko nalang sa kaniya bago patayin ang tawag. Kinausap ko naman ngayon ang mga kaibigan ko.




"Tara raw sa bahay namin, doon na raw kayo mag dinner sabi ni Tita." aya ko sa kanila kaya napalingon sila sa akin.





"Sayang, ngayon mo lang sinabi! Hindi ako pwede ngayon, eh, may lakad pa ko mayamaya... pati si  ata Kath, 'di ba Kath?" sagot sa akin ni Rine at bumaling pa kay Kath bago ngumisi, inismiran naman siya ni Kath bago bumaling sa akin at sumagot din.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now