07

201 25 0
                                    

AYLA's POV


Sa wakas nakauwi na rin ako, nakakapagod din kasi talaga ang araw na 'to. Sobra pa mang-asar ang mga kaibigan ko at mukhang mag tutuloy-tuloy pa iyon.





Pinasabay pa nila kanina pauwi si Jaspher at siya pa talaga ang huli kong nakasabay pauwi, ang swerte nga naman. At totoo rin pala na taga dito lang din siya, doon lang sa susunod na street yung bahay nila.






Pumasok na ako sa loob ng bahay namin at dumiretso sa kwarto ko para mag-palit ng damit at nang matapos nga akong mag-bihis ay pumunta naman ako sa kusina namin dahil nandoon si Inay, pati ata si tita Celine ay nandito na rin ngayon.






Pagdating ko nga dito sa kusina ay may mga nakahain ng pagkain, kakain na kami.





Umupo ako sa tapat ni Inay at sa tabi niya ay si tita Celine. Nandito na nga s'ya pero mamaya nalang ako mangangamusta sa kaniya. Kakain muna ako.






At nang matapos kami kumain ay ako na ang nag-ligpit ng pinag-kainan namin.





Pagkatapos ko mag-ligpit ay saka ako bumaling sa tita ko na kanina pa ako hinihintay, halatang ready na maki- chika, kaya kinausap ko ra rin nga.







"Kamusta tita? tapos mo na mga inaasikaso mo?" tanong ko sa kaniya.







"Okay na. Naayos ko na ang mga dapat ayusin, pati passport namin ng lola mo ay okay na rin... kaya kahit anong oras ay pwede mo na kami isama sa Canada! hahahaha!" may halong biro na sagot niya naman sa akin.






"Excited ka masyado umalis, tita. Hahaha. Tatapusin ko nalang naman itong school year na 'to, at isasama ko na talaga kayo pauwi sa Canada." nakangising sagot ko sa kaniya bago siya iwan doon at pumasok sa kwarto ko para mag-pahinga na rin.






Sinubukan ko nang matulog kaso ay hindi pa ako dalawin ng antok, kaya naman kinuha ko na muna ang gitara ko at tumugtog nalang.





Tumugtog lang ako hanggang sa makaramdam na ako ng antok, kaya tinabi ko na ulit ang gitara ko at nahiga na sa kama ko para matulog na. Hindi na ako nag-alarm ngayon kasi wala naman kaming pasok bukas kaya pwede kahit tanghaliin na ako ng gising.

















*****


Kinabukasan, tanghali na nga akong nagising. Bumangon ako at dumiretso na sa cr para mag-hilamos at mag- tooth brush, nag suklay na rin ako bago tuluyang lumabas sa kwarto ko dahil nagugutom na rin ako.





Pagkalabas ko ng kwarto ko, nagulat ako dahil nasa salas namin 'yong dalawang ulupong, sina Erin at Rine.






"Hoy! Bakit kayo nandito?" nag-tatakang tanong ko sa kanila, dahil wala naman akong natatandaan na may lakad kami ngayon.







"Wow! Ganda ng bati mo sa'min, ha!" sarkastikong sambit sakin ni Rine pero hindi ko na siya pinansin at bumaling nalang ako kay Erin para sa kaniya humingi ng sagot.






"Gaga! Ang tanghali mo na kasi gumising! Pupunta tayo ngayon sa bahay nina Kath. Invited daw tayo sa birthday ng kapatid niya kaya mag bihis ka na, aba!" pabulyaw na sagot naman ni Erin sa akin.






"Oo nga! bilisan mo na, kanina pa kami nandito eh!" dagdag pa ni Rine kaya napabaling ulit ako sa kanya na may masamang tingin.

Ang dami nitong reklamo, ah!





Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now