10

196 26 0
                                    

JASPHER's POV


Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok sa school. Pagkarating ko sa classroom namin ay naupo na rin agad ako sa silya ko at doon ko lang din napansin na bakante pa ang katabi kong silya, wala pa si Ayla dito.




Hinintay ko siyang dumating pero ang tagal niya at sa sobrang tagal nga ay naunahan na siyang dumating ng teacher namin.

Tuluyan na ata siyang na-late ngayon, kahapon ay 'almost' palang daw, e hahaha... napangisi agad ako sa ideyang nasa isip ko habang nakikinig ako sa klase namin.







At nang nasa kalagitnaan na nga kami ng klase namin nang matanaw ko siya mula sa labas na kalmado lang na nag-lalakad papunta dito sa classroom namin. Para 'bang wala siyanga paki-
alam sa oras kahit ang totoo ay late na talaga siya.








Diretso lang siyang pumasok sa pinto ng classroom namin sa bandang hulihan dahil may teacher sa unahan na hindi man lang din napansin ang pag-pasok ni Ayla sa classroom namin. Hindi na rin naman nag-abala si Ayla para batiin ito o humingi ng pasensya dahil late siya sa klase.







Diretso lang talaga siyang tumuloy at umupo sa silya niya saka bumaling sa harap ng klase namin, at umasta pa siya na para 'bang kanina pa siyang nandito at nakikinig, kahit ang totoo ay kapapasok lang niya.









"Na-late ka na," maya-maya'y sambit ko sa kaniya dahil hindi ko napigilan ang sarili ko na kausapin siya.








"Alam ko." maikling sagot niya at mahahalata naman sa paraan ng pagkakasabi niya nun na badtrip pa siya tsaka salubong din ang kilay niya ngayon, e. Bahagya lang naman akong natawa. Sungit! hahaha!







"Bakit ka ba late?" pag-uusisa ko pa rin naman sa kaniya makalipas ang ilang saglit. Sumagot naman siya habang nakatitig pa rin sa unahan at salubong ang mga kilay.








"Bwisit,e. Agang-aga naubusan na agad ako ng tricycle sa terminal. Ang tagal ko tuloy na nag-hintay doon." halatang inis na paliwanag niya naman kaya natatawang tumango nalang ako at tumahimik nalang rin para makinig sa teacher namin, baka kasi ma-badtrip siya lalo at pati sa akin ay magalit na rin kapag tinanong ko pa ulit siya!

















*****

AYLA's POV



Sirang-sira na ang araw ko ngayon. Kung kahapon ay 'almost late' lang ako ngayon ay late na talaga, bwisit.




Naubusan kasi ako ng masasakyan kanina sa terminal kaya na-late ako. Ang tagal pa bago ulit may dumating na tricycle doon. Kaunti lang daw kasi ang bumabyahe ngayon kaya nag kakaubusan talaga ng masasakyan at ako naman ang isa sa maswerteng naubusan kanina.






Badtrip tuloy akong pumasok sa klase namin. Hindi ko na nga nagawa pang bumati at humingi man lang pasensya sa teacher ko dahil late ako, e.



Basta nalang kasi akong pumasok doon sa pinto sa bandang likuran kaya hindi niya na ako napansin hanggang sa naupo ako sa silya ko at umasta na para bang kanina pa akong nandito at nakikinig sa klase niya.




At iyon nga lang ang ginawa ko, nakinig nalang ako sa klase namin hanggang sa matapos iyon at oras na naman ng lunchbreak namin.






Lumabas agad ako ng classroom namin nang tuluyang makaalis ang teacher namin. Naglakad na ako para puntahan 'yong mga kaibigan ko sa canteen para sumabay sa kanila kumain, pero bigla rin akong napatigil sa pag-lalakad dahil parang may nakasunod sakin kanina pa, kaya kunot noo ko itong nilingon.








Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now