16

139 15 2
                                    

JASPHER's POV



Nakarating kami sa LUNA at namangha agad ako sa lugar. Ang cool ng dating ng lugar na 'to. May kakaibang excitement itong naidudulot sa akin at pilit nitong kinukuha ang ang interes ko kung ano pa ang makikita ko sa loob nito.





"Ang astig dito!" manghang sambit ko pa sa kanila habang papasok kami sa loob. Hindi ko na napigilan mag salita at ipikita ang paghanga ko sa lugar na 'to.





"Angas 'no? Hahaha! Dito kami madalas, at 'yon ang paborito namin dito." sambit sa akin ni Kath habang nakaturo sa isang area at nakita ko doon  ang mga nag lalaro ng airsoft guns na siyang mas nag pa-excite sa akin.





"Meron pala n'yan dito, nag lalaro rin ako n'yan!" sambit ko sa kanila.




Marunong ako mag airsoft. Naglalaro na ako no'n simula pagkabata. Si kuya pa ang nag turo sa akin noon, palagi niya kasi akong isinasama sa mga laro nila ng mga kaibigan niya kaya natuto na rin ako.

Sa totoo lang isa rin ito sa libangan namin ni Ayen noon. Tinuruan ko siya mag laro nito at natuto naman agad siya.

Kaso ay mukhang limot niya na rin na ako ang nag turo nito sa kaniya noon.






"Talaga pre? Magaling ka ba d'yan?!" naghahamon na tanong naman sa akin ni Rine, at nakangiti lang ako na tumango sa kaniya. Natuwa rin naman siya dahil doon, nakipag-fist bump pa siya sa akin.





"Ayos! Tara na!" aya niya na sa amin at sama-sama nga kaming pumunta doon.





"Uy! Bry! Isang round nga sa airsoft, lima kami!" sambit ni Erin sa isang lalaki, mukhang siya ang bantay dito.





"Ah, sige! May bago kayong kasama, ah?" sambit niya sa amin sabay tingin sa akin.





"Ah, oo! Siya si Jaspher!" pag- papakilala naman nila sa akin kay Bry at ngumiti lang naman ako sa kaniya.





"Ah... jowa mo 'to Ayla? bagay kayo." biglang tanong niya naman kay Ayla na agad naman nitong ikina-gulat, pati ako nagulat sa tanong niya.






"Ulul! Hindi, ah!" agad na tanggi naman ni Ayla sa tanong ni Bry kaya tinawanan siya nito, nakitawa na rin yung tatlo.





"Tss... tigilan niyo na ako, ha! pagbabarilin ko kayong lahat!" biglang banta naman ni Ayla sa kanila kaya naman tumigil na sila sa pag- tawa, mukha silang natakot bigla kay Ayla.



Binigyan na kami ng mga gagamitin. Pinagsuot rin muna kami ni Bry ng mga vest, inihilera niya na rin sa isang lamesa sa harap namin yung mga baril na maari namin gamitin, at nag kaniya-kaniya naman agad kaming pili ng baril na gagamitin.



Pinaliwanag rin nila sa akin ang mechanics ng laro nila. Kakaiba kasi 'yung kanila, parang katuwaan lang talaga hindi gaya ng karaniwan at normal na laro sa airsoft, kagaya ng mga laro ko noon.


Ang laro namin ay may tig-lima lang daw kaming buhay at kapag nabaril ka na ng limang beses ay out ka na, matira ang matibay, at ang mananalo ay kailangan ilibre ng mga matatalo.





"G na! Pwesto na kayo!" sigaw na sa amin ni Rine bago pumunta sa sarili niyang pwesto, at ganoon rin naman kaming apat.


Nag simula na kami maglaro. Nag barilan kami at mukhang sanay na nga silang mag laro nito, at mukhang si Ayla pa ang pinakamagaling sa kanila.

Magaling siyang umiwas at bumaril. Ang unang natalo ay si Erin nang nabaril ko siya, minsan ko na rin natamaan si Rine kaya nabawasan na rin yung five chances niya.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now