24

123 12 0
                                    

JASPHER's POV



Parang sira naman kasi si Ayla! nahingi lang ako ng papel, gusto pa ay may kapalit na kiss, edi iyan ibaon niya sa pisnge niya ang kiss ko! Basta ang mahalaga ngayon ay may papel na ako, kiss lang naman 'yun sa pisnge, ilang beses ko na 'yun nagawa sa kaniya noong bata palang kami, kung naaalala niya lang sana.





"Okay, class dismissed!" huling sambit ng teacher namin para sa araw na ito bago lumabas sa classroom namin, uwian na.



Niligpit ko nalang ang mga gamit ko at lalabas na rin sana ako sa classroom namin pero nilingon ko muna si Ayla.



"Ayla, tara na!" pag-aaya ko na sa kaniya at umuna na akong lumabas, sumunod din naman agad siya sa'kin.


Naglalakad na kami ngayon papunta sa mga kaibigan namin, parang sobrang tahimik nga lang ngayon nitong si Ayla.




"Hoy, okay ka lang? bakit ang tahimik mo masyado ngayon?" tanong ko tuloy sa kaniya at nilingon niya naman ako, pero agad din niya iyong binawi at umiwas na ng tingin sa'kin.

Problema nito??





"Oy, aba!" pangungulit ko pa sa kaniya bago kami napahinto pareho.


Hinarap namin ang isa't-isa pero hindi parin talaga siya makatingin ng diretso sa akin, para siyang naiilang.


problema ba nito? hahahaha.... teka nga... hindi kaya? hahahaha!





"Ay! kinikilig ka pa 'no?" naka-ngising tanong ko sa kaniya at halatang lalo pa siyang nahiya nang lumayo siya ng bahagya sa akin at nag-iwas ng tingin.


Hahahaha! Huli pero 'di kulong! kinikilig pala siya, ah. Hahahaha!





"H-hindi, ah!" pagtanggi niya pa sa sinabi ko kaya mas natawa ako.


Ang cute niya! Hahahaha!
Si Ayen kinilikilig sakin?! plus points 'yun, ah! joke! Hahahaha! natatawang sambit ko sa isip ko at hindi ko namalayan na talaga palang sumabog na ang tawa ko dito.





"Hahahaha! Kinikilig ka! hahaha!" malakas at natatawang sambit ko kaya agad naman siyang na-asar at hinampas ako.


Pinaghahampas niya ang braso ko habang ako ay patuloy lang sa pagtawa habang sinusubukan ko pang umiwas sa mga hampas niya sa akin. Asar na asar na siya sa akin habang ako naman ay tuwang-tuwa.

Hahahahaha!





"Hoy! Ang sweet n'yong dalawa, ah! yieee!" maya-maya'y dumating na rim nga ang mga kaibigan namin kaya napatigil na rin kaming dalawa ni Ayla sa pag-aasaran.





"Tse! Tara na nga, umuwi nalang tayo!"  inis na sambit nalang naman sa amin.ni Ayla at nauna na sa paglalakad palabas sa school, natatawang sumunod naman kami sa kaniya.






"Hahahaha! Ano ba kasi ginawa mo kay Ayla, Jaspher? Bakit nagkaka- ganoon yun?" tanong pa ni Kath sa akin habang nakasunod kami kay Ayla.





"Hahahaha! oo nga, ano 'yun, ha? kayong dalawa, ha... yieee... Hahaha!"  pagdagdag pa ni Rine at sabay-sabay pa silang tumawa.

Mga siraulo talaga.





"Wala yun, ma-topak lang ata talaga 'yan! Hahaha! Mga sira kayo, tara na nga!" natatawang palusot ko nalang naman sa kanila para matapos ang usapan at hindi na nga sila nagtanong pa doon.




















:-)

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now