23

138 14 0
                                    

AYLA's POV



Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na ganoon pa rin ang lahat. Kami pa din nina Kath, Erin, Rine, Jaspher ang palaging magkakasama. Mas naging malapit na rin sa amin si Jaspher kaya madalas na rin siyang mapag-tripan naming magkaka- barkada.



Malapit na rin nga ang pasko ngayon kaya naman tambak na rin ang mga school works namin at kailangan namin makompleto ang lahat ng iyon bago kami mag-christmas break.






"Pucha, ang dami namang activities!" reklamo tuloy ni Rine, tama naman siya. Sobrang nakakapagod na nga, hindi na nga rin namin magawang gumala pa dahil tambak nga ang mga gawain namin.



"Tara na, umuwi nalang muna tayo. Pare-pareho na tayong pagod ngayon, eh, mag pahinga naman tayo." pag-aaya na rin sa amin ni Jaspher umuwi at dahil pare-pareho nga kaming pagod ay sumang-ayon nalang kami sa kaniya na umuwi na.





Pagkadating ko naman dito sa bahay ay dumiretso na agad ako sa aking kwarto at pabagsak na nahiga sa kama, tumitig lang ako sa kisame hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.


Naging mahimbing ang pag tulog ko dahil sa sobrang pagod, at nagising lang ako nang maramdaman ko na biglang may pumisil sa aking sakong, nabigla ako at napabalikwas nang dahil doon, bahagya pa akong hiningal.

Grabe naman mang-gising to!




"N-nay! grabe ka naman manggising, eh! Nakakagulantang!" reklamo ko sa lola ko na ngayon ay nakahawak sa bewang niya habang nakatayo doon sa may dulo ng kama ko.





"Ikaw, eh, kanina pa kitang ginigising dahil kanina ka pa d'yan ungot ng ungot. Binabangungot ka kanina, may isinisigaw ka pa nga." paliwanag naman sa akin ng lola ko at agad namang nangunot ang noo ko.


Ano? Ako binabangungot? parang hindi naman ako nanaginip kanina, ah. Wala akong matandaan.






"Hoy! Ayos ka lang ba?" sigaw sa akin ng lola ko na nakapag-pabalik ulit sa  akin sa wisyo, kanina pa pala niya ako kinakausap hindi ko lang namamalayan dahil abala na naman ang isip ko. Hindi ko tuloy naintindihan yung mga sinasabi niya kanina, naging lutang ako masyado.




"A-ano? ah, oho, okay lang ako... pero inay, ano yung sinasabi mo na isinisigaw ko kanina?" sambit ko sa kaniya ngayon na may kasamang kuryosidad tungkol sa isinigaw ko kanina habang binabangungot raw ako, wala kasi talaga akong maalala kung nanaginip o binangungot nga ba talaga ako kanina.





"May isinisigaw ka na pangalan, eh... parang tinatawag mo siya. Ano ngang pangalan yun? teka..." sambit ng lola ko habang inaalala kung anong pangalan yun.

Pangalan? tinatawag ko? sino 'yun??





"Ah, naalala ko na! Javen! 'yun ang isinigaw mo nang paulit-ulit, para bang tinatawag mo siya. May kakilala ka bang Javen? Bakit mo siya tintawag sa panaginip mo?" sambit sa akin ng lola ko.

Javen? Siya na naman? Sino ba talaga siya? Bakit?

Napuno na naman ng tanong ang isip ko matapos marinig ang pangalan na iyon.




"Ayen! Okay ka lang ba talaga? Tulala ka na naman, eh!" pagbabalik na naman sa akin ng lola ko sa wisyo, nalunod na naman pala ako sa pag-iisip nang dahil doon.





"Oho, okay lang ho talaga ako Inay. Nagugutom na ho ako, tara nalang kumain 'nay." sambit ko nalang sa kaniya at niyaya nang lumabas sa kwarto ko. Pumunta nalang kami sa dinning area para kumain, totoo rin naman kasi na nagugutom na talaga ako.


Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon