21

130 14 0
                                    

JASPHER's POV

EK CELEBRATION PART 2


"Ang ganda..." humahangang sambit ni Ayla ngayon habang nakatingin sa mga liwanag sa kabuoan ng Laguna, parang kumikislap ang kaniyang mga mata at ngiti habang nakatitig sa mga ito.

Hindi ko naiwasang mapangiti rin habang nakatingin sa kaniya. Halata na masaya siya. Hindi ko rin tuloy naiwasan na humanga sa kagandahan niya.





"Ang ganda mo," wala sa sariling sambit ko, maging ako ay nagulat din para sa sarili ko. Ang malala pa neto narinig yata ako ni Ayla!

Lumingon pa siya sa akin at takang nag tanong sa'kin.



"Huh? May sinabi ka ba?" tanong niya sa akin parang nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang hindi niya talaga narinig yung sinabi ko kanina. Buti nalang!




"A-ah, ang sabi ko, ang g-ganda nga ng city lights." palusot ko at itinuro pa ang city lights kaya doon na din ako napabaling, hindi din kasi ako makatingin ngayon ng diretso sa kaniya. Nakakahiya! Buti at hindi niya talaga nadinig!


Natahimik kaming dalwa dito sa itaas, ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat.

Pero mayamaya lang ay nabasag rin ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa nang tawagin niya ako.




"Jaspher," pagtawag niya sa akin kaya nilingon ko siya.


Nakangiti na siya sa akin, ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti ng ganito. Ito yung ngiti ni Ayen nung mga bata palang kami. Ang tagal ko na hinintay na masilyan ulit 'yan at ngayon heto nga at tinutunaw na ako ng kaniyang magandang ngiti.




"Hmm?" tugon ko sa kaniya ngayon sa kabila ng mga nasa isip ko.




"Salamat." sambit niya sa akin bigla at nagtaka naman ako.




"Ha? Salamat para saan?" tanong ko sa kaniya at nanatili naman siyang nakangiti sa akin bago muling sumagot.





"Thanks for joining me here to celebrate my birthday. I didn't really expect that we could be friends, but we're here as good friends." sincere na pasasalamat niya pa sa akin ngayon.

Hindi ko maintidihan ang sarili ko, ramdam ko paggaan ng puso ko pero hindi ko nalang rin yun pinansin, at sinuklian ko nalang din siya ng ngiti.





"Thank you rin because you let me enter your life as a friend. Thank you because you're here with me. Happy birthday ulit!" nakangiting sambit ko pa sa kaniya ngayon at ngumiti lang rin siya sa akin bago tuluyang lumapit sa akin at niyakap ako, kasabay nun ay ang malakas at mabilis na pintig ng puso ko.






"Thank you so much," bulong niya pa sa akin na siyang tuluyang tumunaw sakin.

Wala na, tunaw na tunaw na ko kaso pati plano ko na pag-amin sa kaniya ay natunaw na rin ata. Napaurong na naman ang dila ko na mag sabi ng totoo sa kaniya.

Hindi ko pa pala kaya.


Hindi muna ngayon. Hindi ko muna sasabihin sa kaniya dahil alam ko na malulungkot at masasaktan pa rin siya sa malalaman niya, ayaw ko naman mangyari iyon lalo na at birthday niya ngayon.




"Sorry," bukang bibig ng aking labi ngunit walang lumalabas na boses sakin. Gumanti nalang rin ako sa yakap niya.





Nanatili pa kaming yakap ang isa't-isa pero pareho kaming biglang napabitaw sa isa't-isa nang biglang may sumigaw sa amin!

Until We Meet AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora