11

158 25 0
                                    

AYLA'S POV



Byernes nang umaga, mag-isa lang ulit akong pumasok sa school. Nauna na kasi yung apat kanina pa. Apat na sila ngayon dahil palagi na rin naming kasama si Jaspher.






Pagdating ko sa classroom namin ay diretso lang akong umupo sa silya ko at nag-suot ng earphones para makinig sa music habang hinihintay namin ang teacher namin.




Tulala lang ako sa labas ng bintana habang nakikinig sa music, pinagmamasdan ko lang din ang langit. Nare-relax kasi ako kapag ganito ang ginagawa ko.




Natigil nga lang iyon ng may humigit bigla sa headphones ko kaya inis akong bumaling doon.





"Ano ba? ang epal naman, eh!" inis na sambit ko naman bago ko pa napag- tanto kung sino ba talaga iyong humigit sa earphones ko, at si Ma'am Gonzalvo pala talaga 'yon!

lagot na, ang engot ko naman! tsk!




Pinan-lakihan niya tuloy ako ng mata dahil sa nasabi ko bago mataray na humawak sa bewang niya habang nakatayo pa rin siya dito sa harapan ko. Rinig ko naman ang mga pigil na pag-tawa ng mga kaklase ko habang ako ay heto bahagya nang nakakaramdam ng hiya.


tang'na

Bakit kasi hindi ko man lang nalaman na nandito na pala siya! Pucha naman!






"Sorry for cutting off your sound trip huh?!" sarkastikong sambit sa akin ni Ma'am kaya tuluyan na akong nahiya.





"uhm... I'm sorry Ma'am, and thanks for cutting off my sound trip hehe. You may continue teaching na. I'll be listening na." bahagyang nakangiting sambit ko naman sa kaniya at nag- peace sign pa. hehe.






Nanatili pa rin na masama ang tingin sa akin si Ma'am kaya umiwas nalang ako ng tingin sa kaniya, at sa halip ay tumitig nalang ako sa board sa una. Para kasing nakaka-tusok yung tingin ni Ma'am sa akin, nanlilisik ang mata, eh.



Rinig na rinig ko pa rin naman ang bungisngis ng mga kaklase ko lalo na itong katabi ko, si Jaspher!





Teka, bakit kaya hindi man lang ako sinabihan ng loko na 'to na nandito na si Ma'am?





Makalipas naman ng ilang segundo ay  bumalik nalang din si Ma'am sa unahan ng klase namin at tinuloy na ang pagtuturo at nakinig na talaga ako.





Nakinig lang ako buong umaga sa mga lessons namin hanggang sa matapos ang morning class namin, at ngayon nga ay lunch break na namin.




Sabay kaming lumabas ni Jaspher sa classroom namin at nag-lakad na kami agad papunta sa mga kaibigan namin.




Habang nag-lalakad kami ay naisipan ko na rin na mag-reklamo sa kaniya dahil doon sa nangyari kanina.






"Hoy Jaspher! bakit nga pala hindi mo man lang ako sinabihan na nandoon na pala si Ma'am Gonzalvo kanina? Nahuli tuloy ako!" reklamo ko sa kaniya at tumawa lang naman siya.




Nakatawa pa talaga itong gagong 'to, ah. Kutusan ko kaya 'to? bwisit!






"Hahahaha! Kasi naman nakakatakot kang abalahin. Si Ma'am nga nasigawan mo, paano nalang kaya kung ako pa nag patigil sayo doon? edi ako nasigawan mo! Hahahaha!" walang-hiyang sagot niya naman sakin at may punto nga rin naman siya doon. Pero dapat sinabihan niya pa rin talaga ako 'no!






"Tang'na ka." madiin na sambit ko nalang tuloy sa kaniya kaya lalo siyang natawa hanggang sa makalapit na kami doon sa tatlo pang ulupong.







"Oh? ang saya mo ata Jaspher? tawang tawa, ah." pag-puna naman agad ni Rine kay Jaspher.





"Hahahaha! k-kasi ano... Hahaha!" parang tangang sambit ni Jaspher habang tumatawa, hindi niya tuloy masabi ang gusto niyang sabihin at nakitawa na rin naman agad itong tatlo... mga walang-hiya.







"Hahahaha! Ano nga kasi yun pre? pabitin pa, eh!" pag-uulit na tanong naman ni Erin kay Jaspher.







"A-ano kasi hahahaha! si Ay---" pinutol ko na ang sasabihin ni Jaspher.








"Leche, puro kayo tawa! Ako na nga lang mag-sasabi!" sambit ko na sa kanila, para na rin matapos ang usapan na 'to!







"Hahahaha! Oh, sige. Ano ba 'yon, huh?" pag-uusisa na sa akin ni Kath.






"Napagalitan na naman kasi ako ni Ma'am Gonzalvo kanina! Nahuli niya akong nags-soundtrip sa oras ng klase tapos hinigit niya yung earphones ko... kaso hindi ko rin talaga namalayan na dumating na siya at siya pala yung humigit, kaya yun nasigawan ko tuloy! Ano? okay na? Tara na, gutom na ako! Mamaya nalang kayo tumawa!" mabilis na kwemto ko nalang naman sa kanila bago umuna sa pag-lalakad papunta sa canteen habang sila naman ay nag- tatawanan na sumunod sa akin.







"Hahahaha! pucha ka Ayla hahaha!" pag-tawa pa nila habang nakasunod sakin, hindi ko nalang sila pinansin.








Pagkatapos namin kumain ay mag- kakasabay na ulit kaming nag-lakad pabalik sa kaniya-kaniyang klase namin. At habag naglalakad kami nagkwentuhan na naman kami.



Walang ubos ang chika nila, ang daldal, tsk!







"Hoy! Kina Ayla tayo mamaya, ha, sleepover! yuhoo!" excited na sambit ni Erin.







"G kami!" dugtong naman nina Rine at Kath.







"Ikaw Jaspher? G ka? Sama ka sa'min mamaya!" pag-aaya na rin nila kay Jaspher. Ngayon lang namin nasabi sa kaniya dahil noong nakaraan pa naman namin iyon plano. Hindi pa namin siya nakakasama masyado noon.







"Ahh, pwede ba?" tanong niya naman sa amin.







"Oo naman! tropa na tayo 'di ba? Kasama ka na namin palagi!" sagot sa kaniya ni Rine bago kami nag- hiwa-hiwalay at bumalik na ulit sa mga klase namin.




Tahimk lang kami ni Jaspher pumasok sa klase namin at naupo sa mga silya namin.







"Jaspher," maya-maya' y pagtawag ko na sa kaniya at nilingon niya naman ako.






"hmm?" tugon niya naman sa akin.







"Sumama ka na mamaya sa amin." may tipd na ngiting sambit ko sa kaniya at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya dahil sinuot ko na ulit ang earphones ko para mag soundtrip. Wala naman makakahuli sa akin ngayon kasi absent daw ang subject teacher namin ngayon.






























:-)

Until We Meet AgainUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum