18

141 16 0
                                    

AYLA's POV


Nagpatuloy ang mga araw at linggo hanggang sa dumating ang araw ng byernes. At bukas ay birthday ko na kaya naman napag-desisyonan namin na mag-usap na ulit tungkol sa plano namin para bukas.

Nandito kami ngayon sa canteen dahil pare-pareho kaming vacant ngayon.



"Ano na? Okay na ba lahat para bukas? excited na 'ko!" sambit ni Rine sa amin.




"Okay na, mayroon na tayong tickets, tapos nakausap ko na rin si kuya at pumayag naman siya." paliwanag sa amin ni Kath dahil siya naman talaga halos ang nag-ayos nito, siya kasi ang maalam sa mga ganito.




"Yun, oh! 'yan talaga ang gusto ko sayo Kath, eh! Hahaha!" pagbibiro naman ni Erin pero wala nang pumansin sa kaniya.



"Anong oras ng alis natin bukas?" tanong naman ni Jaspher.



"Oo nga, anong oras?" tanong na din nina Erin at Rine.




"uhm... 10am daw tayo babyahe sabi ni Kuya." sagot naman ni Kath sa tanong nila.




"Sige, okay na lahat, ah? G na tayo! Hahahaha!" tuwang-tuwag sambit nila, mga excited na. Mukhang mas excited pa talaga sila kaysa sa akin.




Nang natapos ang aming usapan ay saktong tapos din ng vacant time namin kaya bumalik na rin agad kami sa mga classroom namin at pinag-patuloy nalang klase hanggang hapon.




Nang tumunog na naman ang bell, ibig-sabihin ay uwian na kaya naman tumayo na rin ako at niligpit na ang mga gamit ko.




"Ayla," maya-maya'y pagtawag naman sa akin ni Jaspher habang nagliligpit ako ng mga gamit ko.




"Oh?" tanong ka sa kaniya nang lingunin ko na siya.





"uhm... hindi ako makakasabay sa inyo ngayon sa pag-uwi, may pupuntahan pa kasi ako. Paki-sabi nalang rin dun sa tatlo na hindi ako makakasabay. Kita nalang tayo bukas, ingat kayo sa pag-uwi." pag-papaalam niya sa akin at tumango lang naman ako sa kaniya.




"Ge, ingat ka." sabi ko lang rin sa kaniya bago siya tuluyang lumabas sa classroom namin.



Nang matapos na naman ako mag- ligpit ng mga gamit ko ay lumabas na rin ako ng classroom namin at pinuntahan ko na agad yung mga kaibigan ko. Nang makalapit naman ako sa kanila ay agad silang mga nag-tanong kung nasaan si Jaspher.



"Nasaan si Jaspher?" pare-pareho nilang tanong sa akin.

Masyado na nilang love si Jaspher, ah.



"Wala, kanina pa umalis. Uuna na raw siya sa atin, may dadaanan pa raw kasi siya kaya hindi siya makakasabay sa atin ngayon. Tara na, uwi na tayo." sambit ko nalang naman sa kanila bago mag-aya na umuwi na.




"Ah, sige. Tara na, uwi na tayo." sambit naman nila bago kami mag-kakasabay ulit na umuwi.












* * * * *



JASPHER's POV



Hindi ako ngayon sumabay kina Ayla umuwi dahil may kailangan pa talaga akong puntahan.

Nandito ako ngayon sa Guitar iTunes Store, tinadahan 'to ng mga gitara at iba pang gamit para sa gitara. Dito ako bibili ngayon ng pang-regalo ko kay Ayla para bukas.



May napili na akong cappo na pinalagyan ko lang ng personalized name sticker niya na 'AYENXV' kagaya nung pangalan na nakalagay sa earphones niya.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now