28

115 6 0
                                    

AYLA's POV



Naging masaya ang new year celebration namin lahat dahil magkakasama kaming magkakaibigan sa unang araw ng taon.


Pero sa kabila ng mga kasiyahan na 'yon ay hindi ko pa rin naiwasan na malungkot sa tuwing naiisip kong huling taon ko na nga pala ito na makakasama sila sa mga ganitong celebration. Ilang buwan nalang ay graduation na namin at ang kasunod na agad nun ay ang pag-alis ko.





Natapos na ang holliday's break namin kaya balik eskwela na ulit kami ngayon at gaya ng nakasanayan namin sa mga nag daang taon ay mag kakasabay ulit kaming pumasok sa school ngayon.




"Ang bilis talaga ng araw, balik school na ulit tayo. Bitin ata yung bakasyon ko." reklamo ni Rine habang nag lalakad kami papasok sa school namin.




"Kaya nga, eh, pero ilang buwan nalang naman at graduation na natin! Excited na 'ko!" sambit naman ni Kath.



"Syempre excited ka, sure na pasado ka, eh. Kami ni Rine, alanganin pa! Hahahaha!" pabirong sambit naman ni Erin pero nahalata pa rin namin ang lungkot n'ya doon.


Medyo may kahinaan kasi silang dalawa sa academics pero kayang-kaya rin naman talaga nila na makahabol. Kung hindi lang sila madalas tinatamad mag-aral ay siguradong magiging maayos din ang grades nila.





"Hindi 'yan! Papasa tayong lahat!" pag-papagaan nalang ni Jaspher sa kalooban nila.



Napangiti nalang naman ako habang pinanood sila sa ganoon hanggang sa naghiwahiwalay na rin kami para pumasok sa mga sariling klase.




At nag simula na nga ang aming mga kaklase gaya ng dati. Maraming bagong lessons ngayon pero nakakaya naman namin ang mga iyon.




Natapos na namin ang 3rd quarter namin at ngayong February, last quarter na namin. Tapos na rin namin ang mga lessons namin ngayon kaya puro exams nalang ang paghahandaan namin ngayon.


Sa March na ang final exams namin. Pero bago ang lahat ng iyon ay magaganap muna raw ang aming JS Prom namin.





"Ok class, I know y'all are excited for this event! And I just want to remind you class that our JS Prom will be held tomorrow night, February 14. So, that night it's not just your prom, it is the valentine's day too. All of you must be there, okay? At that night, everyone will surely slay on their gowns and tuxedo's. See you there everyone! Class dismissed!" mahabang litanya ni ma'am sa unahan bago tuluyang tapusin ang klase namin.




Pagkatapos naman no'n ay lumabas na rin nga ako sa classroom namin para pumunta sa mga kaibigan ko, kasunod ko na rin ngayon si Jaspher papalapit doon sa tatlo.






"Wahh! Excited na ko para sa prom!" sambit agad sa amin ni Erin ng makalapit kami sa kanila.






"Sino date mo sa prom, Ayla?" biglang tanong naman ni Kath sa akin.

kailangan ba ng date doon? akala ko, pwede kahit wala.




"Required ba?" tanong ko tuloy sa kanila at tinawanan naman nila agad ako.

Mga siraulo talaga.




"Hahahaha! hindi naman required pero syempre, mas maganda kung may partner ka do'n!" sambit naman ni Erin sa akin ngayon.





"Oo nga. Date ko si Kath, 'di ba Kath?" sambit naman ni Rine, bumaling pa kay Kath at kumindat. Napangiwi naman sa kaniya si Kath bago tumango.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now