08

176 26 0
                                    

AYLA's POV

Araw ngayon ng lunes, may pasok na naman kami. Hindi gaya ng nakasanayan, hindi ko kasabay ngayon ang mga kaibigan ko sa pag- pasok sa school dahil kanina pa silang nauna sa akin.



Late na kasi akong nagising tapos ako pa rin ang nag-handa mismo ng mga kailangan ko sa pag-pasok, at ako rin ang nag luto ng almusal ko ngayon dahil mag-isa lang ako sa bahay. Nasa probinsya pa kasi sina Inay at tita Celine.






Pagdating ko sa school dumiretso ay agad ako sa classroom namin, nadatnan na ko dito si Ma'am Gonzalvo na nagse-setup na ng power point presentation niya sa unahan, kaya naman doon nalang ako dumaan sa kabilang pinto sa bandang hulihan ng classroom namin, at dahil rin sa pag-aakala ko na hindi niya na ako mapapansin doon ngunit nagkamali ako!






"Miss Villafuerte your almost late!" sita niya sa akin nang makita ako na kapapasok lang sa classroom namin, napa-singhal nalang ako ng tahimik.






"Tss, almost palang naman, e." bulong ko pa sa sarili ko.






"What are you whispering there huh?!" mataray na tanong niya pa sa akin, napansin niya pa pala pati pag-bulong ko.


Lintek na mata nito, oh, ang linaw masyado king ina... sambit ko nalang sa isip ko dahil baka pag bumulong na naman ako ay ma-sita niya na naman.






"Nothing Ma'am... and I'm sorry because I am ALMOST late." sambit ko nalang sa kanya na bahagyang diinan 'yong Almost.





"Okay, take your seat! We're starting!" utos niya sa akin kaya naman tumuloy na nga ako sa pag-upo sa silya ko. Siya d'yan ang inuna pa na sitahin ako, e, kung nagsimula na siya kanina pa.





Nagpatuloy lang ang klase namin pati sa ibang subject hanggang sa mag-lunch break na kaso overtime itong teacher namin dito ngayon!

nakakainis!


History ang subject namin ngayon at ang teacher namin dito ay si Ma'am Salazar-overtime! Lagi nalang siyang over time, e.





Inip na inip na ko dito at paulit-ulit na akong tumingin sa oras sa relo ko pati na rin sa labas ng classroom namin, dahil nakita ko na ang tatlo kong kaibigan doon, at nag-tatawanan na sila samantalang kami ay heto, hindi pa rin pinapalabas!






"Okay class for our last activity, do this in one whole sheet--"





"shit! ay sheet pala! one whole sheet of paper, diba ma'am? hehe," pag-putol ko bigla sa sinasabi ni Ma'am.




Hindi ko na kasi napigilan yung bibig ko at gusto ko na talagang lumabas dahil gutom na ako! over time na talaga siya!




"Yes, Miss Villafuerte. One whole 'sheet' of paper!" madiin na sambit niya sa akin at alam ko na nainis siya sa ginawa ko kaso wala na akong paki-alam doon sa inis niya, dahil inis na rin ako 'no!




"Yes, Ma'am. Gagawin ho namin yan sa one whole sheet! pero bukas nalang ho, kasi overtime na kayo. Lunch break na Ma'am! Bye Ma'am!" sambit ko sa kaniya bago nag mamadali na tumayo dala-dala ang cellphone at wallet ko, pagkatapos ay doon na ako lumabas sa kabilang pinto nitong classroom namin, nasa unahan pa kasi si Ma'am, e, baka makurit pa ako nun pag dumaan ako doon sa pinto sa una!






"Class dismissed! Hahaha!" walang-hiyang pahabol na sigaw ko pa bago tuluyang lumabas sa classroom at narinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase ko at nag kaniya-kaniya na rin sila ng tayo at ligpit ng gamit nila para lumabas.






"Gago ka Ayla! Hahaha!" sigaw rin sa akin ni Rine nang makalapit ako sa kanila, tawa sila ng tawa sa akin.






"Manahimik na kayo! Gutom na ako, Tara na!" sigaw ko nalang sa kanila at inaya na sila papunta sa canteen.


Mangunguna na sana ako sa paglalakad pero napabalik ako ng hatakin ako ni Kath.



"wait kasi!" pag-papahinto niya pa sa akin.




"Ano ba kasi yun?!" takang tanong ko sa kaniya pero wala na sa akin ang atensyon niya kaya hindi niya nasagot ang tanong ko.




Nakatingin siya sa may pinto ng classroom namin kaya bumaling rin ako doon at nakita ko na kay Jaspher sila nakatingin.





"Jaspher! Tara, sabay ka na sa amin!" biglang pag-tawag sa kaniya ni Kath kaya napalingon sa amin si Jaspher.





"Huh?" takang tanong pa niya sa amin pero hindi na siya nakapag-tanong pa dahil inakbayan na siya ni Rine.




"Oo nga, tara na!" sambit pa ni Rine sa kaniya kaya lalo siyang hindi nakapalag sa mga ito at sumama nalang nga sa amin papunta sa canteen para mag lunch.





Mabilis lang namin tinapos ang pagkain namin dahil may pag-uusapan rin kami ngayon, at kakaunti lang ang oras namin. Mag paplano na raw kami para sa birthday ko, mas excited pa sila sa akin.






"Oh, anong plano?" pag-sisimula na ni Erin sa usapan.






"H-huh?'' takang tanong naman sa amin ni Jaspher. Wala naman kasi siyang alam dito tapos bigla siyang sinama ng mga kaibigan ko dito.






"Ah, kasi Jaspher pupunta kami sa EK!" parang batang sagot ni Rine sa kaniya.





"Kailan? sa birthday ni Ayla?" biglang tanong niya at kami naman ang nag taka sa kaniya ngayon.






"Paano mo naman nalaman ang birthday ko?" takang tanong ko habang nakatingin sa kaniya at agad naman ang ginawa niyang pag-iwas ng tingin sa akin.

Bakit ba parang ang daming alam ng lalaking ito sa akin?





"Ah, kasi... nakita ko lang doon sa bulletin board sa classroom natin, nakalagay doon ang mga birth dates natin." paliwanag niya at totoo naman yun na may bulletin board kami sa classroom at nakalagay doon ang mga birth dates namin, kaya napatango nalang rin ako sa kaniya bago namin pinag-patuloy ang pagpaplano.







"So, yun nga pupunta kami sa EK kami para sa birthday celebration ni Ayla, yun din kasi ang prize niya kasi natalo niya kami sa airsoft. Hahaha!" pag-papatuloy ni Kath sa usapan at sinabi pa kay Jaspher kung bakit kami nag-paplano ng ganito ngayon.





"Sino sa transpo?" tanong ko na agad sa kanila dahil hindi pa naman kami pwede mag-drive, wala pa kaming lisence.





"uhm... sasakyan nalang namin gamitin natin tapos si Kuya nalang gawin natin driver." presinta na ni Kath, at pumayag naman agad kami. Ayos rin naman kasama si Kuya Kean kahit minsan ay nagiging kill joy din siya sa amin.





Pinagusapan na rin namin ang tickets, at sila na raw tatlo ang bahala doon dahil sila naman yung mga natalo, tsaka regalo na rin daw nila sa akin ito.






"Sige, okay na yan. Ako na bahala sa pagkain natin dahil birthday ko naman yun. Hahaha." pagtatapos ko sa usapan ng plano namin at natuwa rin naman sila.





"Yon! akala ko kami na lahat ang mananagot, e! hahaha!" biro pa ni Rine kaya natawa din ako.






"Oy, Jaspher, sama ka na rin sa amin! Treat ka na rin namin doon!" maya-maya'y pag-aaya na naman nila kay Jaspher at nakita ko agad ang pag-lingon sa akin ni Jaspher na para ba tinatanong ako kung pwede siyang sumama, dahil siguro bday ko naman
iyon? Hahaha.






"Sige, sumama ka na rin sa amin." pag-sang-ayon ko na rin sa kanila na isama si Jaspher bago ko sila tuluyang iwan doon para bumalik na sa classroom namin. Agad rin naman silang sumunod sa akin.






"Yon! kasama ka na pre, si Ayla na nagyaya!" rinig ko pang sambit ni Rine habang nakasunod sila sa akin.

























:-)

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now