41

107 10 0
                                    

AYLA's POV


Matapos ng gabing iyon ay naging pangako na namin sa isa't-isa na lahat ng problema na darating sa buhay namin dalawa ay magkasama namin aayusin hangga' t maari, hindi namin hahayaan ang isa sa amin na nasasaktan mag isa, pati na rin ang mga hindi pag-kakaunawaan sa relasyon namin ay iintidihin namin nang mag-kasama.

We don't want to let one of us to sleep at night with worries and heavy feelings.


Sa mga ganitong paraan mas naging masaya at matatag ang relasyon namin dalawa hanggang sa umabot na nga kami ng isang taon.

Last week we celebrated our first anniversary.
At gaya ng kadalasan namin ginagawa, nagbakasyon lang kami.

We spent that day together. We stayed at Palawan for three days to celebrate it there. Our hearts are both happy and inlove for a year, and were still counting for more years.

Honestly... I'm already planning to spend my lifetime with him.
Ang makasama siya hanggang sa huli ang isa sa mga panalangin ko ngayon.



Matapos rin naman ng anniversary celebration namin ay bumalik na rin kami sa mga trabaho namin.


Pareho kaming naging mas abala dahil kapalit ng tatlong araw na pag-sasaya namin sa Palawan ay tambak na trabaho at iba pang gawain ang kaharap namin ngayon.


We became so busy with our works for months.
At dahil nga rin dito ay naging mas madalang na ang pag-kikita namin.


Hindi na rin kasi ako nagpapahatid at sundo  sa kaniya sa trabaho, dahil ayaw ko naman siyang abalahin pa.

Marami rin kasi siyang trabaho, kailangan niyang unahin iyon. Tsaka madalas kasi na mag-kaiba ang schedules namin kaya talagang mas nahihirapan kami magkaroon ng time para mag-kita.



Pero sa kabila ng mga ito ay nagagawan pa naman namin mag-text or tumawag man lang sa isa't-isa kahit tuwing gabi nalang, bago matulog... gaya nalang ng gabing ito.


We call each other to talk about how our day went on today.
Gaya lang ng madalas namin gawin... But I think we can't do that tonight because his day is not yet done for today. Nasa trabaho pa sya hanggang ngayon.



"Meron kasing emergency dito sa site eh... nasa daan na ako pauwi kanina kaso tinawagan nga ako dito dahil nagkaroon nga ng emergency... pinabalik nila ako." pag-kwento niya sa akin kung bakit hanggang ngayon ay nasa site pa rin siya. Tinawagan pala siya dahil may emergency sa site.

Sa pagkukwento niya palang sa akin ay halata ko na ang stress at pagod na naramdaman niya ngayon.



"Kumain ka na ba?" tanong ko naman sa kaniya, madalas kasi ay nalilipasan na siya ng gutom dahil nalilimutan niya na ang pagkain sa dami ng nagiging trabaho niya ngayon. Masyadong malaki ang project nilang iyon.

May mga ganito talagang panahon sa trabaho, may araw na bakante pero mas marami ang araw na tambak ang gawain.

Ako nalang kadalasan ang nag-papaalala sa kaniya ng pagkain.



"Mamaya nalang pagkatapos ko dito, hindi pa naman pati ako gutom." sagot niya sa akin at napabuntong hininga nalang naman ako.


"Okay... but make sure to eat. Please take care of your health naman." paalala ko pa rin naman sa kaniya.


"I will..I'll eat after this. Patapos na naman 'to." sagot niya.


"Sige na, ibaba ko na 'to. Kumain ka ha, text mo rin ko pag nakauwi ka na. Ingat sa pag drive pauwi. I love you, bye." huling sambit ko naman sa kaniya.


Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon