38

106 9 0
                                    

AYLA's POV


Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Masaya kaming lahat. Nasa ayos ang lahat, sa trabaho, sa pamilya at sa amin ni Javen.


Ilang buwan na rin kaming magka-relasyon ni Javen at masasabi ko na masaya ako. Masaya kami pareho sa relasyon namin. He's consitent on showing his love and care for me. Sinisugurado ko rin naman na nasusuklian ko lahat ng 'yon bilang girlfriend niya.

At ngayon nga ay monthsarry na ulit namin. Napag-kasunduan namin na i-celebrate nalang 'yon sa Tagaytay. We just want to spend this day together.



Nakahanda na lahat ng dadalhin ko mamaya sa byahe at hinihintay ko nalang ngayon dito si Javen na sunduin ako dito sa bahay. Napag-kasunduan kasi namin na after lunch nalang kami umalis dahil pareho pa kaming may tinapos na trabaho kaninang umaga.


Tapos na naman ang lunch kaya nandito nalang ako sa bahay at hinihintay lang na sunduin ako ni Javen dito.


Ilang oras na ako nag-hihintay sa kaniya dito pero wala pa rin siya hanggang ngayon. Na-isipan ko tuloy na tawagan nalang siya dahil gagabihin na kami sa byahe ay wala pa rin siya hanggang ngayon.

Nakailang ring pa ang phone nya bago nya nasagot ang tawag ko.




["Hello, babe..."] bungad niya sa akin pag kasagot sa tawag.



"Nasaan ka na? Gagabihin na tayo sa byahe, tutuloy pa ba tayo?" diretsong tanong ko naman sa kaniya.



["Sorry, babe. May dinala pa kasi ako sa site kanina. Tuloy tayo, malapit na ako d'yan, hintayin mo ako."] paliwanag niya naman sa akin.



"Ah, sige. Ingat ka." sagot ko nalang sa kaniya bago ko binaba ang tawag.




Mamaya nga lang narinig ko na ang busina ng sasakyan niya sa labas ng bahay namin, nandito na s'ya. Nag-paalam nalang rin muna ako sa mga kapatid ko bago ako umalis.


"Aycel, nasaan si Axcel?" tanong ko muna kay Aycel bago mag-paalam, hindi ko pa kasi nakikita si Axcel dito.

"Nasa kwarto pa, he's still sleeping." sagot ni Aycel.


"Ah, sige. Aalis na kami, nandito na si Javen." paalam ko na sa kaniya.


"Sige. Take care, ate. Safe trip and enjoy!" paalala niya sa akin habang hinahatid ako palabas sa gate namin.


"Yeah, gisingin mo rin si Axcel, ang haba na ng tulog niya! Bye!" pahabol ko pa sa kaniya bago ako pumasok sa sasakyan ni Javen. Itong Jeep Compass ang dala niya ngayon.


Pagkasakay ko ay agad na rin nag-maneho paalis si Javen. Hapon na kaya siguradong gabi na rin kami makakarating sa Tagaytay. Ang tagal kasi ni Javen kanina.




"Babe... " maya-maya'y pag-tawag sa akin ni Javen kaya nilingon ko na siya. Kanina pa rin kaming hindi nag-uusap sa buong byahe namin.


"Hmm?" nakangiting tugon ko sa kaniya.


"Sorry. Galit ka ba?" hindi ko inaasahang sambit niya sa akin.


"Ha? Bakit ako magagalit? Hindi ako galit." sambit ko naman sa kaniya.
Hindi naman talaga ako galit tsaka wala naman akong nakikitang dahilan para magalit ako sa kaniya.


"Akala ko kasi galit ka, kanina ka pa tahimik eh... Sorry natagalan ako kanina, si Khloe kasi..." paliwanag niya pero naputol ko agad ang sinasabi niya ng mag salita ako.


Until We Meet AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora