15

150 15 0
                                    

JASPHER's POV



"Ganoon ba? edi, ipaalala mo sa kaniya, magpakilala ka ulit." inosenteng sambit niya sakin at napaiwas naman agad ako ng tingin sa kaniya.

Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya nang ito ang usapan namin.

Sana nga ganoon lang kadali sabihin sayo, Ayen.






"H-hindi ganoon kadali gawin yun, eh. Gusto kong gawin kaso... inuunahan palagi ako ng kaba at takot. H-hindi pa ata ako handa." sagot ko nalang sa kaniya habang nakaiwas pa rin ng tingin sa kaniya.





"Bakit? Natatakot ka ba na magalit siya sayo? at hindi ka na niya tanggapin? kahit ipaalaala mo na sa kaniya lahat?" sunod-sunod na tanong niya sa akin at nag- aalinlangan na naman ulit akong sumagot sa tanong niya.








"Oo, n-natatakot ako. Takot ako na baka magalit siya... na hindi niya na ako tanggapin... at baka hindi niya ako mapatawad sa ginawa ko sa kaniya dati... iniwan ko siya, eh." sagot ko sa kaniya at ramdam ko ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko. Pinilit ko naman pigilan ang emosyon ko.


Natahimik siya matapos kong sabihin iyon, parang tinantya niya pa ang mga sinabi ko kanina.






"Hindi 'yan! lakasan mo ang loob mo. Ipaalala mo sa kaniya ang lahat. Siguro nga magagalit siya sayo at baka hindi ka niya agad mapatawad pero... sigurado ako na darating ang araw na papatawarin ka niya at tatanggapin muli. Magpaliwanag ka lang ng ayos at tanggapin mo ang magiging resulta. Ang mahalaga ay malaman niya na ang totoo, at malaman niya na bumalik ka." inosenteng mga payo niya pa sa akin at doon ko na siya nilingon na may pilit na ngiti sa mukha.






"Sana nga...sana matanggap niya ulit ako." sagot ko sa kaniya at ngumiti lang siya.



Sana nga mapatawad at matanggap mo muli ako... sana nga Ayen.






Namutawi muli sa pagitan namin ang katahimikan bago muli akong nag-salita para subukan na tanungin siya.






"Ikaw Ayla?" sambit ko at nilingon niya ako ng may pag-tataka kaya nag salita ulit ako.






"Ikaw ba? Kung sayo gawin yung kagaya ng ginawa ko sa kaniya. Iniwan kita tapos ngayon bumalik ako, kaso ay nalimutan mo na ako pero kasabay ng pagbalik ko ay pag-papaalala ko rin naman sayo ng lahat kasama pa ang masasakit na nagawa ko sayo noon. Mapapatawad at tatanggapin mo kaya ako?" panunubok na tanong ko sa kaniya.




Natagalan pa siya bago sumagot, mukhang pinag-iisipan niya talaga iyon.






"uhm... depende. Kung maayos naman ang dahilan at mga paliwanag mo, siguro oo. Tatanggapin ulit kita at papatawarin, pero pwede ring hindi Hahahaha! Depende sa sitwasyon at kung sino ka sa buhay ko. Hahahaha." sagot niya naman sakin bago tuluyang tumayo sa swing kaya hindi na rin ako nakapag-salita pa at napatingin nalang ako sa kaniya ng humarap siya sa akin.








"Tara na sa loob, inaantok na ulit ako. 3 am na rin pala kaya ilang oras nalang ang itutulog natin." sambit niya naman sa akin bago ako talikuran at na una nang bumalik doon sa loob ng bahay habang ako naman ay saglit pang naiwan dito sa labas. Napatingala pa akong saglit sa itim na kalangitan na tanging ang buwan at mga ilang bituin lamang ang nag bibigay liwanag dito.







"Sana maging handa na ako Ayen... at sana kapag handa na ako, ay handa ka rin na patawarin at tanggapin muli ako." bulong ko pa sa sarili ko habang nakataw sa ilang na bituin sa langit. Sa isip ko ay hinihiling ko nalang na tuparin ng mga bituin na iyon ang aking mga hiling.





Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now