09

187 36 0
                                    

JASPHER's POV


Hindi na ata talaga ako nag-iisip kung minsan. Hindi ko na naman kasi napigilan ang sarili ko at nasabi ko kanina ang birthday ni Ayla, nag-taka tuloy sila kung paano ko iyon nalaman, buti na lamang at nakagawa pa ako ng palusot para doon.



Ito kasing bibig ko kalalaking tao, minsan ay napakadaldal din talaga kaya ako mabubuking ng wala sa oras, e!


Hindi pa pwede mangyari iyon!


Hindi pa ako handa, hindi ko pa alam kung kailan, pero sisiguraduhin ko naman na gagawin ko iyon.





Sa ngayon ay intindihin ko nalang muna ay ang ire-regalo ko sa kaniya. Invited ako sa birthday celebration niya sa EK at excited na rin ako para doon kahit alam ko na medyo matagal pa naman iyon, buti nga at naisipan akong ayain ni Rine.






"Ano kayang magandang iregalo sa kaniya?" tanong ko pa sa sarili ko habang nag-lalakad pauwi sa bahay namin.






Pagkarating ko naman dito sa bahay ay bumungad agad sa akin ang kalat ni Jazel kaya agad rin akong nainis.

Ayaw ko ng makalat! Eto talagang kapatid kong 'to nakaka-bwisit na madalas!





"Jasmine Hazel! Ang kalat mo, ligpitin mo na!" sigaw ko sa kaniya at padabog naman siyang sumunod para ligpitin ang mga iyon.





Dumiretso naman muna ako sa kwarto para mag palit ng damit, pagkatapos ay lumabas din ulit ako para pumunta naman sa kusina at nadatnan ko dito sina mama at kuya Jhinel.






"Kararating mo lang sigaw ka na agad nang sigaw." sita sa akin ni mama dahil sa pag-sigaw ko kanina.







"Yan kasi si Jazel, e. Ang kalat-kalat." pangangatwiran ko naman at saktong pasok rin naman ni Jazel sa kusina, inasar din agad siya ni kuya.






"Oh? Ano ka ngayon? Hahaha! kanina ko pa sinabi sayo na linisin mo na 'yan, e. Nasigawan ka tuloy. Hahaha!" mapang-asar na sambit  sa kaniya ni kuya Jhinel at nag-maktol naman agad si Jazel. Nag-sumbong pa kay mama.







"Ma! sina kuya, oh! pinag-kakaisahan ako! nakakainis!" pag-susumbong nito kay mama kaya natawa kami ni Kuya Jhinel.







"Tigilan niyo na ang kapatid niyo Jhinel Heinze at Jaspher Haven! Kumain nalang kayo!" pag-saway nga sa amin ni mama kaya napatigil agad kami, at pumunta nalang sa dinning area namin para kumain.






"Lagot na kuya, may pa-full name na si mama. Hahaha." natatawang bulong ko nalang kay kuya na pinipigilan din ang pagtawa.







Kumain na lang kami doon at habang nakain kami ay naisipan ko na rin mag-paalam kay mama. Alam ko naman na ilang araw pa naman bago dumating ang araw ng birthday ni Ayla, pero hindi ko kasi talaga maiwasan na ma-excite ng sobra!






"Ma, may pupuntahan ako sa July 10." pag-papalam ko kaya napalingon sila sa akin.






"Ha? Saan punta mo? Ano meron?" tanong ni mama sa akin.







"uhm... sa EK--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang biglang sumingit ang magaling 'kong kapatid na si Jazel!







"Waah! Kuya sama mo ko!" pag-singit niya at inismiran ko naman siya doon.






"Hindi pwede!" agad na saway ko pa sa kaniya at agad din naman siya ngumuso, kunware nag-tatampo.

pabebe ampucha.




Tinuloy ko nalang ang sinasabi ko kanina kay mama at hindi na pinansin si Jazel, epal itong bata na 'to.








"Yun na nga Ma, pupunta po kaming EK sa July 10. Birthday ni Ayen 'yon, invited po ako." patuloy na paliwanag ko sa kaniya at parang na-excite agad siya sa narinig niya.








"Si Ayen?! okay na kayo? Alam niya na?" sunod-sunod na tanong niya naman agad sa akin ngayon nang marinig niya ang pangalan ni Ayen. Bahagya naman akong napatungo sa mga tanong niyang iyon, dahil hindi ko pa alam ang isasagot ko doon.



Tuwing si Ayla ang usapan, tanong agad nila sa akin kung okay kami at kung alam niya na, dahil alam na talaga na nalimutan ako ni Ayen.








"uhm... hindi pa po, Ma. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya, e... hindi ko pa masabi sa kaniya, kaya hanggang ngayon limot pa rin niya lahat." sagot ko nalang kay mama.





"Ah, ganon ba? Okay lang 'yan, maalala ka rin niya." kalmadong sambit naman sa akin ni Mama, halatang gustong pagaanin ang loob ko kaya ngumiti ako sa kaniya bago tuluyang tumayo dahil tapos na rin naman akong kumain at gusto ko nang mag pahinga.








"Tapos na po ako kumain, mag papahinga na rin ko. Goodnight." sambit ko pa bago tuluyan silang iwan doon at pumunta sa kwarto ko.
Pumasok nalang ako sa kwarto ko para magpahinga na dahil may pasok pa ulit ako bukas.




























:-)

Kindly do vote po, thanks!

Until We Meet AgainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt