19

154 16 0
                                    

AYLA's POV

EK CELEBRATION PART 1


Nasa byahe na kami ngayon, sakay kami sa Ford Flex na pagmamayari nina Kath, at ang kuya n'ya ngayon ang driver namin, si Kuya Kean.


Nasa shotgun seat si Kath, katabi ni Kuya Kean sa unahan. Si Erin at Rine naman ang magkatabi doon sa upuan sa may hulihan at kaming dalawa naman ni Jaspher ang magkatabi dito sa second row, sa gitna.



Tulog na 'yung dalawa ni Rine at Kath, medyo mahaba pa naman kasi yung byahe namin kaya natulog na muna sila.

Tinatawanan nga lang namin si Rine, kayat laway kasi siya matulog.

kadiri talaga 'to! hahahaha!





"Punyeta ka Rine! Hahahaha! Kayat-laway si Rine!" pang-aasar ni Erin dito habang nagvi-video pa kaya lalo kaming natawa.



Tawa kami nang tawa sa byahe dahil kay Erin, ang daldal kasi. Sa ingay nga namin ay nagising na rin si Kath pero si Rine wala pa rin, tulog pa rin talaga.

Tibay, katabi nya na yung maingay hindi man lang nagigising.





"Ang ingay mo Erin! Buti hindi nagigising sa ingay mo si Rine, edi sana dalawa pa kayong maingay. Nakakarinde 'yun for sure." reklamo na rin ni Kath sa kaingayan ni Erin.




"Hahahaha! asa ka pa na magising 'to, eh, kayat-laway nga si gago! Hahaha!" sagot naman ni Erin at agad sinita ni Kuya ang bunganga niya.



"Hey, your mouth Erin, I don't like the words coming out from it..." sita ni Kuya Kean kay Erin.

Ayaw niya kasing maririnig na nagmumura kami pero... syempre kapag wala siya ay nagmumurahan kami! Hahaha! hindi niya naman maririnig, eh. Hahaha!



Naging masaya ang daloy ng byahe namin. Walang tigil sa kadadaldal si Erin at wala namang humpay ang pag tawa namin, habang si Rine ay nanatiling tulog kahit na maingay kami.




At nang makarating na nga kami dito sa Laguna ay nagdesisyon kami na dumaan muna sa 'Nuvali Park' para kumain. Nagugutom na rin kasi talaga kami, tsaka papasyal na rin daw kami dito, maganda raw kasi dito.


Nang matapos i-park ni Kuya Kean ang sasakayan ay lumabas na rin agad kami mula sa sasakyan. Nauna pa akong bumaba sa kanila, ginigising pa kasi nila si Rine.


Ang hirap naman gisingin ng gagong 'yun, kapag ako nainip dito lagot ka sakin Rine.





"Hoy Rine! Gising na, aba!" rinig kong pang-gigising nung tatlo sa kaniya habang inuuga-uga pa pero mukhang wala talagang talab sa kaniya iyon.  Naiinip na ko dito kaya naman hinawi ko yung tatlo. Ako nalang ang mang- gigising sa kaniya.





"Tabi nga! Ang hirap naman gisingin niyan! Ako na ang mangigising dyan, yari 'yan sakin!" sambit ko pa sa kanila at  hinayaan naman nila ako na gisingin si Rine.





"Hoy! Rinezelle Jay Sanchez! Gigising ka d'yan o sasabihin ko kung sinong crush mo nang magising ka?!" sigaw ko nang malapit sa may tenga niya at palundag naman siyang napabalikwas sa pagkakahimbing niya sa tulog, nauntog pa si ungas.


Effective yung ginawa ko, galing ko talaga, tss.


Hinihilot ng isang kamay ni Rine ang ulo niyang nauntog habang ang isa naman ay nagkukusot pa ng mata.


Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon