29

133 12 0
                                    

JASPHER's POV



Napapayag ko si Ayla na maging date ko siya mamaya sa prom, sobrang saya ko tuloy dahil do'n. Kabadong-kabado pa ako nung tanungin ko siya buti nalang at pumayag siya.




Wala kaming klase ngayong araw para raw makapag- handa kami ng ayos para mamaya.


At bilang paghahanda ko na rin kaya nandito ako ngayon sa mall para mag pagupit ng buhok tsaka kukunin ko na rin yung damit na isusuot ko mamaya sa boutique ni Tita Khayla, designer na kaibigan ni Mama.

Kasama ko rin si Kuya Jhinel ngayon dito dahil gusto n'ya rin daw mag pagupit.






"Bro, sino date mo mamaya?" maya-maya'y tanong sa akin ni Kuya habang naglalakad kami papunta sa boutique ni Tita Khayla, tapos na kasi kaming mag pagupit.






"uhm... si Ayla." sagot ko sa kaniya at napatigil naman siya sa paglalakad, nilingon ko tuloy s'ya at agad na sumalubong sa paningin ko ang malokong ngiti niya sa akin.

Aasarin na naman ako nito, sure na.




"Yieee, lakas mo naman lods! Hahahaha!" sambit niya, hindi nga ako nagkamali sa hula ko na aasarin niya na naman ako, tsk.





"Para kang baklang kinikilig Kuya, tigil mo nga 'yan!" saway ko naman sa kaniya pero lalo lang siyang tumawa.




"Hahahaha! pero mas kinikilig ka! aminin mo! yiee date n'ya si crush! sana lahat! HAHAHA!" pagpapatuloy n'ya pa, pero hindi ko nalang siya pinansin doon at nagpatuloy nalang sa paglalakad, natatawang sumunod pa rin naman siya sa akin. Parang tanga, eh.




Nandito naman na kami ngayon sa boutique at sinalubong agad kami ni Tita Khayla.





"Hello handsome boys!" nakangiting salubong n'ya sa amin ni Kuya Jhinel.





"Hi Tita," nakangiting bati rin namin sa kaniya ni Kuya.





"Ah, Tita kukunin ko na po sana 'yung damit, naka ready na po ba?" sambit ko na sa kaniya ng tunay na pakay ko rito ngayon.





"Of course dear! Come with me," sambit niya naman at ginabayan kami papunta sa hilera ng mga damit. Kinuha niya doon ang isang magandang black tuxedo at tinapat niya iyon sa'kin.





"Here! You can try it there." sambit niya sa akin bago ibigay sa akin ang damit para ipasukat muna.




Pumasok naman ako sa dressing room para isukat iyon. Nang maisuot ko na iyon ay lumabas na muna ulit ako mula sa dressing room para ipakita sa kanila ang hitsura ko sa suot 'kong tuxedo. Maganda ang kulay at designs, tama lang ang sukat para sa katawan ko at komportable rin isuot.





"Manang-mana ka talaga sa'kin, Javen! Lahi talaga tayo ng mga pogi!" nagyayabang na sambit pa ni kuya matapos akong makita.





"Tss... Ako lang 'to! Mas gwapo pa sayo! Hahahaha!" sagot ko naman sa kaniya.




"So handsome! It really looked good on you, Jaspher!" papuri rin ni Tita Khayla.




"Thank you, tita. uhm... hubarin ko na po muna ulit 'to, kukunin ko na." sambit ko naman sa kaniya bago muling pumasok sa dressing room para mag palit ng damit ko.

Pagakatapos mag bihis ay lumabas na rin naman ako bago sumunod kay Tita at Kuya Jhinel doon sa counter.


Nilapag ko ang tuxedo sa counter at iniutos naman agad iyon ni tita sa assistant niya na ipalagay na iyon sa maayos lagayan at nang hindi iyon magusot at madumihan.



Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now