33

117 10 0
                                    

JASPHER's POV



Javen,

Ngayong nababasa mo ito, isang lang ang ibig sabihin no'n, nakaalis na ako. Matatagalan bago tayo muling mag-kita pero sigurado naman ako na mangyayari 'yon. Someday.

We will see each other again, we will meet again. Now that we're on different places, I hope for us to still grow into a better versions of ourselves. Keep growing as man with his big dreams.

Sana kapag nagkita na ulit tayong lahat ay pare-pareho na tayong may magandang career. Let's make our dreams come true even when we're apart from each other.

Chase your dreams, my future Engineer!

Lastly, I want to you remember that no matter what or how longer it takes before we see each other again, I promise that I will always be the Ayen that you have known. And you'll always be my Javen, my best friend.
Mahal kita Javen. You always hold that special part in my heart because you're my best friend.

Until we meet again.

(Don't worry I'll try my best to call you, maybe not everyday, but I surely will.)



Always,
  Ayen





Narito ako ngayon sa veranda ng kwarto ko, nakatingala lang sa madilim na kalangitan na tanging bituin at buwan lamang ang nag sisilbing liwanag. Pinupunasan ko ang sariling luha matapos ang mahabang sandali ng pag-iyak matapos kong mabasa ang letter na iniwan para sa akin ni Ayen.





Nakakaalis na siya at alam ko na matagal bago siya muling makabalik. Parang  hindi ko na nga ata agad kayang mag hintay para sa pag balik niya, parang gusto ko na agad siyang sundan doon sa Canada kahit alam kong imposible pa para sa akin ang gawin 'yon sa ngayon.



Nakaalis na siya ng hindi ko man lang nasasabi ang isa pang sikreto na matagal ko nang gustong aminin sa kaniya.



'And you'll always be my Javen, my best friend. Mahal kita...'




Naalala ko na naman ang mga salitang 'yan mula sa sulat niya para sa akin.




Sinabi niya sa akin na mahal niya ako pero malinaw naman sa akin na bilang kaibigan lang 'yon. Mahal niya akong bilang si Javen, ang best friend niya.




Mahal ko rin siya. Mahal ko si Ayen, kaso hindi lang bilang kaibigan. Higit pa sa pagmamahal ng isang kaibigan ang nararamdaman ko para sa kaniya.




At hanggang ngayon ay sa sarili ko pa lang naamin na mahal ko siya, hindi ko nagawang sabihin sa kaniya noong mga panahong nandito pa siya, kasama ko.

Gusto kita Ayen. Mahal kita Ayen.



Mahal ko siya kaya hihintayin ko siya. Naniniwala ako na pagtatagpuin muli kami at sa pag kakataon na 'yon sana'y magkatotoo nga ang sinabi niya na sa panahon na iyon ay  pare-pareho na kaming may magandang career at natupad na namin ang mga pangarap namin.





At iyon nga ang gagawin ko ngayon. Habang hinihintay ko siya ay sisiguraduhin ko muna ang katuparan ng mga pangarap ko at isa doon ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maging isang matagumpay na engineer, kagaya ni Papa noong nabubuhay pa siya.





Magpapatuloy lang buhay ko, magpapatuloy kaming lahat. Narito o wala man ang isa ay iyon pa rin naman ang gusto namin para sa aming lahat na mag kakaibigan, ang maging matagumpay balang araw.

Mag kakasama man o hindi ay pare-pareho namin tutuparin at aabutin ang mga pangarap namin.



At ang tanging mga salita na mapang-hahawakan ko lang ngayon ay yung "Until we meet again." hihintayin ko siya hanggang sa mag tagpo muli kami.





"Chase your dreams, my Ayen. Hihintayin kita... Until we meet again." bulong ko bago nag-alis ng tingin sa madilim na kalangitan at pumasok nalang ulit sa kwarto ko para makapag-pahinga na rin dahil mag sisimula na ako ng mga bagong araw na wala si Ayen hanggang sa mga susunod pang araw.

























:-)

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon