46

109 10 0
                                    

AYLA's POV

"I'm on my way na. Sige, bye." sambit ko bago patayin ang tawag. It's Erin, she's now waiting for me at the mall. We just decided to meet there.


Hindi naman masyadong malayo yung mall kaya mabilis lang din akong nakarating dito. Pagpasok ko ay agad ko rin hinanap si Erin at napangiti naman agad ako ng makita ko siya. She's alone here and busy on her phone while waiting for me. I was smiling while I'm walking towards her.


"Hey miss, can I have this seat?" tanong ko sa kaniya at hindi niya man lang ako tinignan.


"No. Humanap ka nalang ng iba." sagot pa nito sa akin nang hindi pa rin ako tinitignan.


"No. I want this one, Erin." nakangising sagot ko naman sa kaniya bago ako diretsong naupo dito sa tapat niya. Dahan-dahan naman siyang tumunghay at tumingin sa akin.


"Gagi! Ikaw na pala 'yan! Sorry 'di kita nakilala agad! Hahahaha!" sambit niya naman sa akin bago tuwang-tuwa na tumayo mula sa upuan niya at lumapit sa akin para yumakap.


"I missed you so much! I'm glad that you're here na! Welcome back Ayla!" sambit niya pa sa akin kaya napangiti rin agad ako. Bumalik na rin naman siya sa upuan niya matapos no'n.


"I missed you too. Sorry, ngayon lang ulit ako nakapag paramdam sa inyo. I just took a time for myself for a while." sagot ko naman sa kaniya.


"Wait, mamaya ka mag kwento, ha. Order lang ako ng makakain natin hehe." sambit niya sa akin bago tumayo para umorder. Mabilis lang naman 'yon at nakabalik rin agad siya dito, dala na rin niya ang pagkain namin.


"So... yung kaninang sinasabi mo. Okay lang yun! We understand naman. Tsaka naging busy rin naman talaga kami." sagot niya sa akin ngayon, tipid nalang akong napangiti sa kaniya bago sumimsim sa drinks ko.


"Kamusta ka? Ang daming nangyari, ha... at hanggang ngayon wala pa akong idea kung ano ba talaga nangyari sayo... sa inyo. Ayaw rin naman mag-kwento sa amin si Jaspher." maya-maya'y pag-uusisa niya na sa akin, gaya nang inaasahan ko.

I know that they will ask about this. I understand them. They ask because they care...They care for each of us because after all... we're friends.


"Sorry for asking... If you're not yet ready to talk about it, okay lang. Huwag mo muna sagutin yung tanong ko." dag-dag niya pa dahil hindi agad ako nakasagot. Bumuntong hininga naman muna ako bago nag-salita.


"No, it's fine with me. We can talk about it. " sagot ko sa kaniya at agad naman siyang umayos ng upo sa harap ko. Handa ng makinig, na pairap nalang naman ako.

Sabik na sabik sa chika 'to.


"Ano ba nangyari?" tanong niya na ulit sa akin.


"He cheated on me." simpleng sagot ko at dahan-dahan naman umawang ang labi niya. Nagulat sa narinig. I already expected for that reaction.


"Teka, tama ba narinig ko?"  hindi makapaniwalang tanong niya pa sa akin, natawa nalang ako sa kaniya ng mahina.


"Yeah, you heard it right. He cheated on me, Erin." pag-uulit ko sa kaniya ng malinaw.


"Hala, gago. S-sino yung babae? Pwede malaman? hehe." tanong niya naman.


"Si Khloe." diretsong sagot ko lang naman at kitang-kita ko ulit ang gulat niya.


"T-tangina?" tanging nasabi niya nalang kaya natawa ako.


"She's too obsessed to get him... then she succeed for that." sagot ko naman sa kaniya.


Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now