22

119 13 1
                                    

AYLA's POV


Gabi na rin nga kami nakauwi, hinatid na tuloy kami nina Kath sa kaniya-kaniyang namin na bahay para raw hindi na kami mag lakad pa. Nagpasalamat naman ako sa kanilang lahat para sa araw na ito.

I really enjoyed this day because of them. It's a day well-spent.

Pagkadating ko naman sa bahay ay nadatnan ko pa na gising sina Inay at Tita Celine, mukhang inaantay pa talaga nila ako kahit gabi na.




"Bakit gising pa kayo Inay? Tita? Gabi na kaya, dapat nagpapahinga na kayo, ah..." sambit ko sa kanila habang bahagyang nakayuko dahil hinuhubad ko pa ang sapatos ko.

At nang matapos na akong mag tanggal ng sapatos ay hindi pa rin sila nagsasalita kaya tumunghay na ako at hinarap sila kasabay ng pagbati nila sa akin.



"HAPPY BIRTHDAY AYEN!" sabay nilang bati sa akin. Si Tita ay may hawak na rin ngayong isang cake na may nakasinding kandila sa ibabaw nito habang si Lola naman ay hawak ang cellphone niya na nakaharap sa akin habang ka-video call doon sina mama. They really completed my day. A happy birthday indeed.




"Salamat Nay... Tita, salamat rin." nakangiting sambit ko pa sa kanila bago hipan ang kandila sa ibabaw nung cake.

Pagkatapos no'n ay kinuha ko naman ang cellphone na hawak ng lola ko para naman kausapin ang pamilya ko.




"Hi Ma, Dad, Axcel and Aycel! Thank you for this, I really appreciate it!" masayang sambit ko sa kanila mula sa video call.



"You're welcome Ayen! Happy birthday love!" malabing na sambit pa sa akin nina Mama at Dad, sumunod naman ay ang mga kapatid ko.


"Happay birthday Ate Ayen!" sabay na bati sa akin nina Axcel at Aycel, lalo naman akong napangiti. I miss them so much.



"Thanks! I miss y'all, so much!" sagot ko rin tuloy sa kanila.


"We miss you too Ate! Go here na, I miss playing with you na, eh." malambing na sambit pa sa akin ni Axcel at lalo naman akong napangiti.




"Don't worry baby bro, Ate will get home soon. I will also bring Inay and Tita Celine there." nakangiting sagot ko sa kanila at agad naman silang natuwa sa narinig.


Nag-usap pa kami nang ilang minuto bago kami nagpaalan sa isa't isa. Pumasok na rin naman ako sa kwarto ko para makapag-pahinga na.

Naglinis lang din muna ako ng katawan ko at nag bihis ng damit pangtulog pagkatpos ay pabagsak ako na nahiga sa kama ko.

Sobra akong pagod ngayon, pero sobrang saya ko rin. Sana ganito din kasaya ang mga birthdays ko sa mga susunod pa na taon.

Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na ito, napaka-saya at memorable ng araw na 'to para sa akin. It was a great day.


Matutulog na nga sana ako nang bigla akong may maalala, yung mga regalo nila sa akin! Kinuha ko muna iyon at nilapag sa kama, handa nang buksan.


Una kong binuksan 'yung regalo sa akin nina Inay at Tita Celine, nakabili pa talaga sila ng ragalo para sa akin kahit kakauwi lang din nila kanina. Binuksan ko 'yun at bumungad sa akin ang isang pares ng bagong-bago na Vans Sliders na nagustuhan ko rin agad.

Sunod ko nang binuksan ang regalo sa akin ng mga kaibigan ko.

Niregaluhan ako ni Erin ng tatlo na iba't-ibang design ng Oxygn shirts, kay Rine ay 'yung isang set ng libro ng Chronicles of Narnia.

Alam na talaga nila ang mga gusto ko, ah.


Kay Kath naman ay isang Daniel Wellington na relo, ang ganda no'n. Meron din si Kuya Kean regalo sa akin, isang Champion hoodie jacket naman 'yun.

Ang sosyal talaga ng magkapatid na yun mag regalo, tsk.


At ang huli ko naman nabuksan ay 'yung galing kay Jaspher. Nasa isang simpleng maliit na paper bag 'yun, binuksan ko at bumngad sa akin ang isang itim na kahon na may pulang ribbon at katamtaman lang din ang laki ng kahon. Laman ng kahon ang isang napaka-gandang cappo at pick ng gitara.

Kinuha ko 'yun at pinagmasdan. Kulay silver yung cappo at may naka-ukit na pangalan ko 'AYENXV' mukhang pina-personalize talaga 'yun at yung peak naman ay kulay itim na may logo at pangalan ng isa sa mga paborito kong banda, ang Silent Sanctuary.


Ang ganda ng mga regalo nila, nagustuhan ko lahat. Napangiti nalang tuloy ako dahil mga regalong ito dahil halatang halata sa mga ito na alam na talaga nila ang mga hilig at gusto ko, kahit si Jaspher na bagong kakilala lang naming lahat ay alam na alam na rin agad kung ano yung mga bagay na maari kong magustuhan.

They really made my day today. I'm so thankful to have them in my life.

Maya-maya'y niligpit ko nalang muna ulit ang mga iyon at itinago kasama ng iba ko pang gamit. Pagkatapos ay tuluyan na rin akong nahiga sa kama ko para matulog na dahil inaantok na nga talaga ako.
















:-)

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now