40

104 9 0
                                    

AYLA's POV

Our days went on. Naging busy kami sa kaniya-kaniya naming trabaho. Pati na rin sina Kath. Matagal na no'ng huli ko silang nakausap at na kasama dahil pare-pareho kaming naging abala sa mga sarili naming trabaho at iba pang gawain sa buhay.

Maging kami nga ni Javen ay naging limitado rin ang pag-kikita namin nitong mga nakaraan na araw dahil pareho kaming busy sa trabaho namin pero nagagawan pa rin naman namin ng paraan na makapag-text o tawag man lang ang isa't-isa, kahit pa tuwing gabi nalang.

Ngayong araw naman ay maaga akong natapos sa trabaho ko sa kompanya kaya nag half day nalang ako ngayon.
Plano ko rin na yayain si Javen ngayon para sabay na kaming mag lunch bago ako umuwi sa bahay.
Tinawagan ko muna siya. Nakailang ring pa naman ang phone niya bago niya nasagot ang tawag ko.

["Hello, babe."] bungad niya sa akin pagkasagot sa tawag.

"Hey... Lunchbreak n'yo na ba? Sabay na tayo." sambit ko naman sa kaniya mula sa phone.

["Tapos na ang lunchbreak namin eh, nakakain na ako. Sorry babe, next time nalang siguro."] sagot niya naman sa akin.

"Ah, gano'n ba? Sige, next time nalang." sagot ko naman sa kaniya.

["Yeah, next time nalang. Babawi ako sayo. Medyo busy lang ako ngayon... pero babawi ako ha. I love you."] malambing sambit niya naman kaya napangiti na rin ako.

"It's okay. I love you too. Bye." sambit ko na rin naman bago patayin ang tawag.

Mag-isa nalang akong pumunta sa isang restaurant para mag lunch. Nag-oreder na ako ng makakain ko, hinihintay ko nalang i-serve 'yon. At habang nag-hihintay ako ay nilibang ko nalang ang sarili ko sa social media.

Nag-scroll lang ako ngayon dito sa IG. Tinignan ko ang IG stories ng mga kaibigan ko at iba pang kakilala hanggang sa napadpad ako sa IG story post ni Khloe.

It was a picture of Javen busy on his food, they're eating together in a restaurant. With the caption...

"Enjoyed our lunch together @javenLvillamin Next time ulit! :>"

Pinagkatitigan ko pa iyon at napansin ko na kakapost lang pala no'n 5 minutes ago.

"5 minutes ago huh?" bulong ko tuloy sa sarili ko habang nakatitig pa rin sa post na iyon.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. I took a screenshot of it, then I sent it to Javen. Hindi naman ganon kalaking problema 'yon pero gusto ko pa rin makarinig ng paliwanag mula kay Javen. Ayaw ko rin naman malunod agad sa pag-iisip ng kung ano-ano.

*image sent*

: enjoyed your lunch huh? that's good.

Chat ko pa sa kaniya.

Nag-hintay ako ng ilang minuto kung mag rereply siya, pero hindi siya nag reply hanggang sa nalunod na nga ako sa pag-iisip ng kung ano-ano. Kahit ayaw ko mag-isip ng kung ano-ano, hindi ko pa rin talaga napigilan ang sarili ko.

Akala ko nakapag-lunch na siya?

hindi siya sumabay sa akin kasi may kasabay na siya??

si Khloe??

Nahinto lang ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang ilapag na ng waitress ang pagkain ko sa lamesa.

"Here's your order ma'am, enjoy your food po." nakangiting sambit pa ng waitress sa akin matapos ilapag ang pagkain ko.

"T-thanks." sambit ko nalang naman at pinilit nalang ang sarili ko na kainin iyon kahit parang medyo nawalan ako ng gana kumain.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now