17

139 13 0
                                    

AYLA's POV



Hindi ko alam kung bakit ba bigla nalang akong nailang kay Jaspher kanina.Hiyang-hiya tuloy ako sa mga pang-aasar ng mga kaibigan ko, ngayon lang ako nailang ng ganito!



Bakit naman kasi sa akin niya pa binigay ang stufftoy na ito?!

Inaasar tuloy kami ng mga ulupong na 'yun!






"Pucha! Bakit ba ako apektado masyado? wala lang naman 'yun, ah! Tsk!" reklamo ko na rin sa sarili ko at pabagsak nang humiga sa kama bago tumulala sa kisame nitong kwarto hanggang sa hindi ko na namalayan ay nakatulog na rin pala ako.





Nagising lang ako nang mag-ring ang phone ko. Nakapikit ko yung kinapa sa ibabaw ng side table ko at nang makuha na iyon ay nakita ko sa screen ang pangalan ni Mama, siya pala ang tumatawag kaya sinagot ko na rin agad.





"Hello Ma," bungad ko sa kaniya pagkasagot ko sa tawag.




"Hi anak! Are you okay? Your voice sounds tired." sambit niya naman sa akin.



"I'm fine, Ma. I just woke up that's why my voice sounds like this," sagot ko naman sa kaniya.

"Ohh... Did I woke you up? I'm sorry for that!" nag-aalalang sagot naman ni Mama sakin.




"Yes, you woke me up but it's okay, Ma, Hahahaha." bahagyang natatawang sagot sa kaniya.
Masyado talagang mabait si mama, eh.





Saglit pa kaming nagkamustahang mag-ina. Tinanong niya rin ulit ako tungkol sa plano ko sa birthday ko pero gaya ng sabi ko sa kaniya noong una ay plano ko lang talaga na mag- celebrate kasama ang mga kaibigan ko sa araw na iyon.




Matapos nung tawag ay lumabas na rin ako ng kwarto ko para kumain. Nakaramdam na kasi ako ng gutom. Gabi na rin pala, at hindi pa nga ako nakain dahil nakatulog agad ako kanina.



Tulog na rin ata sina Inay at Tita Celine kaya ako nalang ang mag hahanap ng makakain ko dito. Sana naman ay may natira nila ako ng pagkain.


Naghanap ako sa ref ng makakain pero napatigil ako nang may mag-  salita mula sa likuran ko, hinarap ko rin naman agad siya.




"Ayen gutom ka? Akala namin ay okay ka na sa tulog, eh, mabuti nalang at may tinira kaming pagkain para sayo. Hahahaha." sambit ni Tita Celine, gising pa pala siya.





"Hindi ako makakatulog ng ayos kapag gutom, Tita. Nasaan na ba yung tira niyo sakin? parang wala naman, eh!" sambit ko sa kaniya, wala naman ata talaga silang natira para sa akin!





"Anong wala? Doon sa lababo meron, buto-buto nga lang 'yun! Hahahaha!" pang-aasar ni Tita sa akin, sinabi na nga ba, eh. Pinagloloko lang talaga ako ng gurang na 'to! tsk!





"Magluto ka nalang d'yan ng gusto mo kaini  dahil wala naman talaga kaming tinira sayo! Hahahaha!" dugtong niya pa.

Grabe parang hindi pamilya.



"Hahaha. Funny ka Tita." sarkastikong sagot ko pa sa kaniya at lalo lang siyang tumawa.




"Ge, tawa lang Tita. Sa pakpak lang naman ng eroplano kita pasasakayin, eh. Sigurado bago tayo makarating sa Canada ay nalaglag ka na! Hahahaha!" ganti ko sa kaniya kaya natigil siya sa pang-aasar sa akin.





"Hoy Ayla! Ang sama mo, ha! tita mo pa rin ako, ah!" saway niya pa sa akin ngayon pero tinawanan ko nalang siya bago kumuha ng cup noodles at nilagyan ng mainit na tubig.

Ito nalang kakainin ko, tinatamad ako magluto, eh.



Habang inaantay ko lumambot yung noodles ko ay nakipag-kwentuhan nalang muna ako kay Tita Celine.




"Malapit na birthday mo, ano plano mo?" tanong niya sa akin ngayon at umasta naman akong nag-iisip.




"hmm... plano ko lang naman huminga, tita." pilosopong sagot ko kay Tita at agad niya naman akong pinagalitan.


"Gago ka talagang bata ka! Bukod sa huminga, anong plano mo?!" inis na sambit niya pa sakin kaya natawa agad ako. Saya talaga nito asarin.





"Hahahaha! Easy tita baka magising Inay sa ingay mo. Maka-sigaw ka d'yan parang mag-kalayo tayo. Hahahaha!" natatawang saway ko pa sa kaniya, ang ingay niya, eh.





"Ano nga kasi ang plano mo?" mahinang pangungulit niya pa rin sa akin kung anong plano ko.




"I'll just have my celebration sa EK pero... syempre hindi ka kasama sa planong 'yun tita. Hahahaha!"  natatawang sagot ko naman ulit sa kaniya at lalo naman siyang nainis.






"EK?! Sino naman makakasama mo doon kung hindi ako?! Ako nalang dapat!" inis na sambit niya pa sa akin kaya lalo akong natawa.





"Hahahahaha! Talagang hindi ikaw tita. Mga kaibigan ko lang ang kasama ko doon." sagot ko naman sa kaniya.





"Yung tatlo mo na kaibigan?! Wala man lang bang nadagdag sa mga kaibigan mo?" tanong niya sa akin, alam niya kasing hindi ako friendly.




"Apat na sila ngayon, hehe." palusot ko nalang sa kaniya.


"Tse! Isa lang ang nadagdag. So, apat lang pala ang hindi natatakot sayo makipag-usap? Hahahaha!" sarkastikong sambit niya sa akin at napairap nalang naman ako sa kaniya.




Maya-maya'y kinuha ko na rin yung noodles ko at nag dala ng inuming tubig bago ako pumasok sa kwarto ko at iwan nalang doon sa kusina si Tita.



Dito nalang ako sa kwarto kakain, ang ingay ni tita doon. Ang daldal masyado.




Pagkatapos ko naman kumain ay nag-toothbrush lang ako at nag-bihis ng pantulog na damit bago ako tuluyang nahiga sa kama ko para matulog na ulit.











* * * * *



Kinabukasan naman ay linggo kaya buong araw lang akong nasa bahay hanggang sa naisipan ko nalang mag paint para maalis ang pagkabagot ko.
Isa din kasi sa libangan ko ang painting.


Nag-isip ako ng magandang i-paint hanggang sa pumasok sa isipan ko ang isang idea.

Ipipinta ko nalang 'yung mga natatandaan ko doon sa panaginip ko, baka sakali rin may makuha akong clue kung ano ba talaga 'yun at kung bakit paulit-ulit ko nalang iyon napapanaginipan.






Sinimulan kong ipinta yung batang lalaki at babae na mag-kayakap. Hindi ko maalala ng ayos yung hitsura ng mukha nila kaya ginawa ko nalang blanko yung mukha nila, lagi kasing malabo sa panaginip ko 'yung mga mukha nila, eh.

Nalaman ko lang na lalaki at babae sila dahil sa mga suot nilang damit at sa ayos ng kanilang buhok, malinaw yung mga ganoon na detalye sa panaginip ko.

Sa baba nitong canvas ko ay sinulatan ko rin iyon ng pangalan nila na natatandaan ko pa naman.


'Javen&Ayen'


Inilagay ko rin yung mga salita na laging tumatatak sa isip ko tuwing matatapos ang panaginip kong iyon.


'Until We Meet Again'


Nang tuluyan ko na ngang natapos yung painting ko ay tinitigan kong mabuti iyon.




Maayos naman ang pagkakagawa ko, pero wala pa rin talaga akong makitang clue o kaugnayan nito sa akin, at kung bakit ito nagpapaulit-ulit sa akin.






"Ano ba talaga 'to? Sino kayo? Bakit? Until we meet again?" sunod-sunod na tanong ko pa sa sarili ko habang patuloy akong napapaisip.




















:-)

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now