Code Chasers:Character Profile
******
Main Characters' Profile:
Fillan
Age: 17 (Self Claimed)
Birthday: Late September (Self Claimed)
Birth Place: No record
Height: 163 cm
Weight: 44 kg
Family Members: No memory at all
Occupation: Chimney Cleaner
Personality: Apologetic, Simple Minded, sometimes Clumsy
Strenght: Trustworthy
Weakness: He's not good at expressing himself or his thoughts in words.
Hobby: Play with his cat "Peeches"
-Pinangalanan nya si "Peeches" imbis na "Peaches" dahil natagpuan niya ito habang umiihi sa tabi ng isang poste.
Special Ability: Cooking, Cleaning, do all around house hold chores
Brief Character Background:
Natagpuan si Fillan ng isang grupo ng mga madre na nagpapatakbo ng isang ampunan sa Isis. Wala siyang anumang naaalala sa kaniyang nakaraan maging sa kaniyang pinagmulan. Ang bukod-tangi lang niyang naaalala ay ang pangalang "Fillan" at kalaunan ay ipinangalan narin sa kaniya. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na maaalala niya ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan, kabilang ang pag-asa na may pamilya pa siyang babalikan. Ngunit madalas siyang sundan ng disgrasya at kamalasan kaya walang nagtatangka na kaibiganin siya. Matapos ang insidente sa Isis, minabuti nalang niyang mamuhay nang mag-isa at nanirahan sa malaking puno kung saan siya noon natagpuan. Hindi nagtagal, nagtagpo ang landas nila ng batang si Noah Harell na isang nagsasanay na sundalo ng Agrivan, at naging kauna-unahan niyang kaibigan. (Sa totoo lang, nagkaroon ako ng tatlong revisions sa character palang ni Fillan-nahirapan kasi akong mabuo ang background nya para makarating kami sa dapat na maging istorya...)
Question and Answer Portion!!!
Q1: Anong masasabi mo sa iyong role?
Fillan: Ah...sa totoo lang....wala rin akong masabi eh...um... (>_<)
Q2: Ano sa tingin mo ang pinaka-'di mo malilimutang bagay?
Fillan: Ah...tingin ko yung nagkaroon ako ng kauna-unahang totoong kaibigan-si Noah, at saka isang pamilya-sina Ms. Dallia at Paris...
Q3: May pangarap kaba na gusto mong matupad?
Fillan: Uhm...siguro ang mahanap ang tunay kong pamilya...at saka...makarating sa Agrivan para dalawin si Noah at makilala ng personal ang kapatid niyang si Nina...
Q4: Kung may isang araw ka nalang para mabuhay, anong gagawin mo?
Fillan: Mamasyal sa Park kasama ang mga kaibigan ko. Tapos kakain ako ng mga pagkain na di ko pa nakakain...gaya ng hotdogs...
Q5: Meron kabang sikretong kayamanan?
Fillan: Ah...siguro yung "Silver Book" na bigay ni Paris at ginagamit namin ni Noah para makausap ang isa't-isa kahit malayo ang distansya naming dalawa.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Code Chasers
ФэнтезиWalang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala...
