Vol. 1 Code One : " In the beginning, there was light "

8.7K 288 178
                                        

"In the beginning was the Word,

and the Word was with God,

and the Word was God."

John 1:1

*****

Code One:"In the beginning, there was light"

Sa pasimula'y nalikha ng Diyos ang langit at ang lupa

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Sa pasimula'y nalikha ng Diyos ang langit at ang lupa.

Subalit ang lupa na Kaniyang nilikha ay walang anumang laman, at ito'y nabalot ng matinding kadiliman.

Gamit ang kapangyarihan ng Kaniyang mga salita, nagpasiya ang Diyos na pagandahin at punuin ang mundo sa loob ng pitong araw.

Lumikha Siya ng liwanag...

Naglagay Siya ng pagitan sa langit at sa lupa...

Lumikha Siya ng mga puno at halaman, hayop at mga isda...

Hiniwalay Niya ang gabi at ang umaga...

At sa huli'y lumikha Siya ng nilalang na kawangis Niya, at tinawag Niya itong 'Tao'.

Sa ganito nag-umpisa ang sanlibutan, kung paanong sa pamamagitan lamang ng mga Salita ay nalikha ang lahat ng bagay.

Subalit nang dahil din sa mga salita kung kaya ang lahat ng nilikha Niya'y nawasak.

Gamit ang mapang-akit na mga salita, nagawang udyukan ng Ahas ang unang pares na sumuway sa mahigpit na bilin ng Diyos. At mula sa pagsuway na iyon ay nabuo ang kasalanan at kamatayan sa loob ng Tao.

Pinaalis ng Diyos ang unang pares ng tao sa Banal na Hardin kung saan naroon ang Buhay

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Pinaalis ng Diyos ang unang pares ng tao sa Banal na Hardin kung saan naroon ang Buhay. Hindi nagtagal at ang mundo ay napuno ng tao. Kasabay ng paglago ng bilang ng tao ay ang paglago ng kanilang kaalaman at paglawak ng kasalanan sa kanilang mga laman.

Nariyan ang kasakiman...

Kahalayan...

Digmaan...

Code ChasersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora