Vol. 6 Code Fifty Four: "End of the Line"

462 49 9
                                        

Code Fifty Four: "End of the Line"

*****

Ang Nakaraan sa Code Chasers...

"Matagal na naming hinahanap ang kriminal na iyan. Kasama niyang itinakas ang isang binata na kamuntikan nang wasakin ang sangkatauhan limang taon na ang nakakaraan. Mas kilala sa bansag na 'salot' ang binatang tinutukoy ko. Siya, at ang salot ang kailangan namin."

Hindi makapag-komento si Kahana sa mga natuklasan niya. Hindi siya makapaniwala na ang mga estrangherong tinanggap nila bilang kasapi ng kanilang grupo na sina Grau, Fillan at Faust ay mga "kriminal" pala na matagal nang pinaghahanap ng mga sundalo ng Agrivan.

"Kaya naman..." dagdag pa ng sundalo kay Kahana at sa mga natitirang kasapi ng sirkus, "Kung ayaw ninyong masangkot ang inyong grupo sa salang pagtataksil, mas mabuti pang isuko n'yo na sa amin ang traydor at ang salot...sa lalong madaling panahon."

-----

"A—ano kamo? Kami...masasangkot?"

"Pero wala namang ginagawang masama ang grupo namin ah!"

Mahinahon naman na sumagot ang sundalo, ngunit halata na naninindak at may pagbabanta ang mga binitiwan nitong salita laban sa mga kasapi ng Gildea Circus.

"Tama kayo. Wala naman talagang ginawa na masama ang Gildea Circus laban sa Bagong Pamunuan ng Agrivan. Subalit malinaw na pagtataksil ang ipapataw na parusa sa inyo sa oras na hindi ninyo ibinigay sa amin ang takas na si Heimdall Reed at ang binatang Decipher na tangay-tangay n'ya. Kaya kung ayaw ninyo na mangyari ang bagay na iyon, mas makabubuti kung makipag-tulungan na kayo sa amin ngayon pa lang."

Nagsimula nang magpakita ng galit ang mga natitirang kasapi ng sirkus bilang reaksyon sa tila pagbabanta sa kanila ng sundalong kardinal na ipinadala ng Agrivan. Hindi naman hinayaan ni Kahana ang mga kasamahan niya na magpakita ng kawalang-galang sa harapan ng mataas na opisyal ng Agrivan, kaya naman agad niyang inawat ang mga ito at sinabihan na huminahon.

"Mga kasama, huminahon lang kayo."

"Sino naman ang hihinahon sa mga nangyayari, Kahana!" galit na sagot ni Guy, "Eh 'yon palang tatlong estrangherong 'yon ang dapat sisihin sa lahat ng mga nangyari! Malamang sila talaga ang habol no'ng mga halimaw na lumusob sa palabas natin kahapon! Dahil sa nangyaring 'yon kaya namatay si Ginoong Pavel at naglayas naman si Lala! Tapos ngayon madadamay pa tayo nang dahil sa kanila?!"

"Pero mukha naman silang hindi masasamang tao!" pagtutol ni Shani sa mga paratang ni Guy bilang pagtatanggol naman sa panig nina Fillan, Grau at Faust, "Nakalimutan n'yo na ba? Tinulungan tayo ng tatlong iyon na sagipin ang mga natitirang kasapi ng sirkus!"

"Hindi ko nakakalimutan 'yon Shani!" matigas na sagot ni Guy, "Pero kung iisipin mong mabuti, sila rin naman ang dahilan ng lahat ng kaguluhan! Hindi mo ba nakikita? Sundalo na ang pumunta rito sa atin at inaakusahan ng pagtataksil! Ano na lang ang mangyayari sa atin sa oras na makulong tayo dahil lang sa tinulungan natin ang mga estrangherong iyon, sige nga!"

"P—pero..." gusto pa sanang mangatwiran ni Shani, subalit pinigilan na siya ng kasamahan niyang si Firmin na sumagot at sinang-ayunan ang mga sinabi ng kasamahan niyang si Guy.

"Tama si Guy, Shani. Mapapahamak tayo kung hindi natin isusuko ang tatlo sa Agrivan."

Nakinig lang sa mga debate si Kahana. Kung tutuusin, may punto ang mga sinabi nina Guy at Firmin. Hindi rin niya isinasantabi ang katuwiran ni Shani, na kung hindi dahil sa tulong nina Fillan, Grau at Faust ay hindi nila masasagip ang mga kasapi nilang nasugatan sa insidente.

Subalit...

"Hindi ko alam kung nasaan sila ngayon." wika ni Kahana sa kaniyang mga kasama. "Ang alam ko kausap kanina no'ng lalaking si Grau ang isa sa mga kasamahan natin para tumulong sa paghahanap kay Lala."

Code ChasersOù les histoires vivent. Découvrez maintenant