Code Thirty: "An After Image"
*****
"T—tao po?"
Mainit-init at magaspang ang nilalakaran ni Fillan. Maihahambing mo ito sa buhagin na matatagpuan sa dalampasigan. Subalit wala naman siyang dagat na namamataan sa kaniyang paligid, at lalung hindi naman buhangin ang kaniyang nilalakaran. Purong puti ang nakikita niya saan man siya pumaling; walang kahit na anong bagay siyang nakikita na maaari niyang maging palatandaan kung nasaang lugar na ba siya.
"Tao po! May tao ba rito!"
Hindi huminto si Fillan sa kaniyang panawagan. Patuloy rin siya sa kaniyang paglalakad kahit hindi niya alam kung saan nga ba siya papunta.
Maya-maya pa...
--Fillan!
Napahinto si Fillan sa kaniyang paglalakad nang may narinig siyang nagsalita mula sa kung saan. Sinubukan niyang hanapin kung saan nagmumula ang tinig, pero hindi niya ito makita.
"N—nasaan po kayo?! Maaari ba akong magtanong kung nasaang lugar ako ngayon?!"
---Nandito ako!
At naramdaman ni Fillan na may taong nakatayo sa kaniyang likuran. Agad siyang lumingon, subalit wala naman siyang nakita. Muli niyang sinuri ang kaniyang paligid, umaaasa na mayroon siyang mamamataan, subalit ni anino ay wala siyang nakita.
"N—nasaan ba talaga...ako?"
Minabuti nalamang ni Fillan na ipagpatuloy ang kaniyang paglalakad na para bang wala itong katapusan. Ni hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang naglalakad na wala naman siyang pinatutunguhan. Walang anumang pagbabago na nangyayari sa kaniyang paligid, at wala rin siyang nakikitang anumang sensyales na may kasama siya sa lugar na iyon.
"Ako lang ba ang...nag-iisang tao rito? Nasaan na ang...iba?"
At huminto na siya sa paglalakad. Nakatingin siya sa kaniyang harapan, nanatili siyang ganoon habang pinipigilan niya ang kaniyang sarili na maiyak. Nanatili siya nakatayo roon ng mga ilang minuto, hinahayaan ang namumuong takot sa dibdib niya na maglaho habang pinapalitan naman niya ito ng kaniyang natural na giting.
Ilang sandali pa ng makabibinging katahimikan...
---Haha, taya ka!
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Fillan nang may nagsalita mula sa kaniyang likuran---tinig iyon ng isang lalake. Tinangka pa niyang lumingon, pero naunahan siya ng hindi pa niya nakikilalang lalake. Tinakpan ng lalakeng iyon ang kaniyang mga mata na naging dahilan upang hindi siya makakita.
"S—sino ka?" tanong ni Fillan habang sinusubukan kapaain ng kamay niya ang mga kamay na nakatapon sa kaniyang mga mata.
"Hindi mo ba ako nakikilala?" dismayadong tanong ng lalake sa binatang si Fillan. Inaasahan nitong makikilala siya ng binatang si Fillan, ngunit mukhang nagkamali siya.
"S—sino ka nga ba?"
Naramdaman ni Fillan na inalis ng lalake ang mga kamay nito sa kaniyang mga mata. Pero nanatiling nakapikit si Fillan at hindi muna niya idinilat ang kaniyang mga mata. Hanggang sa....
Hindi na bale. Sige, idilat mo na ang mga mata mo...
*****
---Ah!
Mabilis na idinilat ni Fillan ang kaniyang mga mata matapos ang kakaiba niyang naging panaginip.
P—panaginip?
Oo, isang panaginip. Pero ang panaginip na iyon ay kakaiba sa lahat ng kaniyang naging panaginip. Para itong totoo, at naramdaman niya ang bawat sigundo nang kaniyang pananatili roon. Gayun din ang mga kamay ng lalakeng tumudyo sa kaniya sa pamamagitan ng pagsuklob sa kanyang mga mata...
YOU ARE READING
Code Chasers
FantasyWalang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala...
